Marking Her Territory
"Hey, can't sleep?" rinig kong tanong ni Luan na kakalabas lang ng veranda. Nilingon ko siya sandali bago muling humarap sa malawak na bakuran sa harap ng mansyon na natatanaw ko dito mula sa Veranda.
"Ikaw rin?" mahinang tanong ko. Naramdaman ko siyang tumabi sa'kin ng may ilang distansya saka tumingin din sa mga tinitingnan ko.
"I can't leave you here Ari." sagot niya. Ngitinian ko siya saka bumuntong hininga.
He knows it well. Alam niyang kaya akong kampanteng nandito sa veranda ng mansyon hindi dahil may mga guards kami kung hindi dahil nandito siya. Nasa mansyon siya kasama ko at alam kong gising pa siya, hindi naman kasi siya natutulog nang hindi nasisiguradong nasa kwarto na ako. He became my reaper since that incident happened. We know they're still after me dahil nasa blacklist nila ako.
"Are you sleepy?" I asked him nung marealize kong napatitig ako sakanya.
"Nope but we need to sleep now, babalik ka na sa dorm bukas." sagot niya.
Friday nung dumating sina lolo at linggo na ngayon, isang gabi pa ngalang kami dito ay babalik na kami agad sa dorms namin. Masyadong kulang yung oras para makasama ko sina lola pero uuwi narin sila bukas.
"May misyon ka na ba Lu?" wala sa sariling tanong ko habang sinusundan na siya papasok ng mansyon.
"Ayaw mo na ba akong maging reaper?" nakapamulsang tanong ni Luan na tumigil sa isang hallway at sumandal sa pader kaya napatigil din ako para kausapin siya.
"Of course not. I was just checking baka tumatanggap ka na naman," sagot ko.
Since he became my personal reaper, hindi ko na siya pinapayagang tumanggap ng ibang mission. It's like nagiging paranoid narin ako whenever he's not around. Dahil minsan ay may overnight missions na nangyayari at hindi pwede iyon dahil gabi gabi siya dapat ang nagbabantay sa'kin. I can't stand it when he's not around. Lalo na at hindi ko sinabi sakanyang habol din siya nung lalaking gustong pumatay sa'kin. Baka magkaharap sila. Baka may mangyari sakanya.
"You're being paranoid," saway niya sa'kin bago umayos ng tayo at naglakad.
Tahimik ko siyang sinundan hanggang makarating kami sa pinto ng kwarto ko. We both bid goodbyes and goodnights before going inside our rooms na magkatabi lang.
Kinabukasan maaga akong nagising at saktong gising narin ang buong pamilya kaya sabay-sabay na kaming kumain maliban kay Luan na sinabi nilang nauna nang umalis. Maaga daw itong uuwi mamaya para sasama sa'kin kaya kailangan niyang taposin lahat ng school works niya ng maaga. Nandito narin sina tita Jina pati na sina tita Hallea na umalis para sa bakasyon at yung isang para pumunta sa side ng family ng family ni tita Jina.
"How's the family day?" tanong sa'kin ni Eury pagkaupo namin sa isang bench sa may gym. P. E yung magiging klase namin kaya kami nandito. Hindi pa naman nagsisimula yung klase kay may oras pa kaming magpahinga.
"Great, hindi ba dumalaw si lolo sa org?" may kahinaang tanong ko sakanya patungkol sa pagdalaw ni lola sa mafia org. nung sabado ng hapon.
Tumango tango siya habang may kinakain.
"He's so scary, Aris. Ibang-iba siya kapag tungkol sa mafia. Mabuti nalang at si Sir Phil ang namamahala madalas dahil kailangan niyang maging maingat." kwento ni Eury sa'kin. Lolo's the mafia boss but he's old already kaya hindi na niya hinahandle ang mga mabibigat na bagay tungkol sa org., dad's helping him kasama sila tito.
"Mabait naman yon," sagot ko kahit na alam ko namang iba talaga si lolo kapag tungkol sa mafia ang usapan. I've seen him mad too, noong mga panahong muntik akong makidnap sa hacienda at kitang-kita ko kung paano niya saktan ang mga nagbabantay sa'kin noon. Mabuti na nga lang at umarte akong umiyak para makuha ang atensyon niya kaya nakaligtas din ang mga guards na yon.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Book One)
RomanceFalling in love? Sounds bad. Sounds trouble. Some things are getting into something interesting but others find it a game you just wanted to play because it's fun, because it's difficult, it's new. A unique game you're getting obsessed with. Amaris...