Chapter 26

5 2 0
                                    

AVA

"So he's here?" tanong ni Czed habang pinasadahan ng tingin ang university kung nasaan kami ngayon.

Lolo told me na sinama niya na ang mga pinsan ko sa'kin since they're looking for Kono too. Paunahan nalang kung sinong unang makakatapos sa misyon na binigay ni lolo.

"Now I badly wanna finish this." bulong ni Joss.

I can see to them how they serious they are para taposin na ang Kono na yon. I can't feel the anger because of Kono's betrayal but I'm determined to finish this for the sake of my parent's location.

"Let's eat first," alok ni Nim na sinag-ayonan agad ng iba naming pinsan. Parang sa isang iglap nakalimutan nila yung galit nila dahil lang sa pagkain. Psh.

Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at agad na naghanap nang pwestong mauupuan. Nagpaalam si Nim para siya na ang umorder ng kakainin namin habang naiwan ako sa tatlong maiingay na sina Czed, Joss at Zy sa mesa. Hindi na namin kasama si Axell at Vam dahil graduate na sila and they're helping lolo to manage the mafia and our family business.

"Ava," tawag sa'kin ni Joss.

Binalingan ko siya ng tiningin at tinaasan nang kilay para tanungin kung anong kailangan niya.

"Are you really okay with this? Makikita mo na ulit si Kono,"

Kinunotan ko siya ng noo. They look so worried.

"Should I be not ready? He's nothing, hindi ko naman siya totoong kapatid," malamig na sagot ko.

Nagkatinginan silang tatlo bago isa isang nag-iwas ng tingin sa'kin.

"Akala kasi namin...hindi ka okay since naging kapatid mo parin siya," sagot ni Zy.

"He choose to betrayed us, I'm here for the payment." tanging sagot ko at bumaling na nang tingin sa labas. Kita dito ang mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa sa labas dahil glasswall lang naman ang cafeteria.

"May matapang ang loob na nanghahamon sa'min dito ah," saad ng isang lalaking bigla nalang tumigil sa pwesto namin. May kasama siyang limang lalaki at pareho silang nakatingin sa'min nang masama.

Tiningnan ko yung mga kasama ko pero kalmado lang silang nakatingin sa nangahas na estorbohin kami.

"May nagawa ba kami mga pare?" tanong ni Czed.

Malamig kong pinasadahan ng tingin ang limang lalaki sa likuran nung nagsalita at pareho silang ngumisi sa'kin.

"Mga bagohan yan boss, hindi alam kung kaninong teritoryo ang kanilang pinasok," saad ng isa sa lima doon sa boss nilang naunang magsalita kanina.

"Yeah right, we're transferees, so what can we do for you guys?" tanong ni Zyan.

"Englishero pa pre," sabi nung isa saka sila nagtawanan.

"Eh tatanga-tanga pala kayo e, alis!" sita sa'min nung boss daw nila.

Tumayo ako para harapin siya at binigyan ng malamig na tingin.

"Ava, calm down." pigil sa'kin ni Joss.

"Av, it's our first day, we shouldn't be in trouble," dugtong pa ni Zy.

Sinful Desire (Book One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon