Distractions
Nakapag-enroll na kami for another sem. So obviously balik pasokan na naman. It's been uh one or two weeks since Kono came back to our lives. It's still the same, he keep on annoying me. Visiting me every night.
Hindi ko alam kung nahahalata ba ni lolo ang pangungulit niya sa'kin pero sana ay nagampanan ko ng tama ang gusto kong ipalabas. I don't know if Kono is already suspecting na may naaalala na ako, sana ay hindi. Hindi ko hahayaang masira ang planong ginawa ko.
"Ava!" tawag sa'kin ni Alora nung makita niya ako sa isang bench ngayong break time namin. She changed too. Naging mabait na siya sa'kin.
"Hey," bati ko pabalik.
Mabilis siyang nakarating sa pwesto ko at naupo sa tabi ko.
"How are you? How did your vacation went?" masayang tanong niya.
"Good. We went to the beach." sagot ko. Tatlong araw rin kami don para makapagrelax si dad. And Kono was just there to pissed me off. Lagi siyang nakabuntot kong saan ako pupunta but since wala si lolo at lola doon ay walang nakialam sa'min. Sina mommy naman, it was like they were hoping too na maging okay kami ulit ni Kono.
"You really don't talk to much," saway ni Alora saka umiling-iling. I heard she still like Kono kahit pa hiniwalayan na siya nito.
"Are you good now?," tanong ko nong maalala ang trauma niya.
"Still conscious if someone or a stranger looks at me." sagot niya. She's getting paranoid because of what happened. Hindi naman kasi yon ganon kadaling kalimutan. Lalo pa at sinubukan siyang galawin nung lalaki.
She's a mafia princess but she's still a girl. May mga kahinaan rin kami kapag usapan na ng kasarian namin.
"You're brave."
She gave me smile. Tumango lang ko.
"Hey! Hi Kon." bati niya sa bigla nalang lumitaw na si Kono sa may harapan namin.
Nilingon ako ni Alora saka binigyan ng mapanuring tingin. I almost forgot na may alam siya. Binigyan ko siya ng blangkong tingin.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ko.
"But Av! He's here for yo - - - " hindi ko na siya pinakinggan at agad nang umalis. Walang lingon-lingon akong umalis at lumayo kung nasaan sila. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang umalis.
"Hey, watch out." rinig kong marahang sambit ng taong nakabangga ko. Tiningala ko siya.
"Are you okay?" he asked. Hahawakan niya sana ako pero umatras ako.
"I'm good." malamig na sagot ko. He's not familiar. His face is new here. Maybe a transferee. Nilagpasan ko na siya at nagpasyang babalik nalang sa classroom pero naramdaman kong sumunod siya kaya hinarap ko sya ulit at pinanlamigan ng tingin. That doesn't affect him.
"I'm sorry, hindi ko kasi alam kung saan ang room ko." paliwanag niya at nagkamot pa ng ulo.
"That's your problem not mine. Don't follow me." sagot ko saka siya muling tinalikuran. Naglakad ako ulit hoping na hindi na siya mambbwesit pero hindi man lang siya natinag sa presensya ko.
"Just help me, please?" pakiusap niya. He was about to hold my hand again pero umatras ulit ako.
"What's your room number?" I asked. Kaagad siyang nagpakawala ng matamis na ngiti saka inabot sa'kin ang papel na may laman ng impormasyon ng schedule at rooms niya.
"You're lucky. We have the same sched." sagot ko saka muling inabot sakanya ang papel saka naglakad paalis. Ramdam kong sumunod siya sa'kin kaya hindi ko na siya nilingon pa at kinausap.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Book One)
RomansaFalling in love? Sounds bad. Sounds trouble. Some things are getting into something interesting but others find it a game you just wanted to play because it's fun, because it's difficult, it's new. A unique game you're getting obsessed with. Amaris...