Chapter 17

14 1 0
                                    

Baby please

Sinalubong agad kami ng malakas na tugtog pagkapasok palang sa bar. Naunang maihatid sina Vam dito kanina kaya baka nakainom na ang mga iyon, huli kaming sinundo ni Axell dahil may inutos pa daw sakanya ang dad niya bago kami puntahan ni Luan.

"Luan, pare." salubong sa'min ng isang lalaki na may kasama ring apat pa. Hindi ko sila kilala kaya baka sa ibang school o kaya kaklase ni Luan pero hindi ko lang nabigyan ng pansin dati.

"Siya ba? Yung kapatid mo?" tanong ng isa pang lalaki at inabot ang isang kamay sa'kin. "Hi, Amaris right? Aron." pakilala niya.

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko naman alam kung dapat ko bang tanggapin ang kamay niya. Mabilis akong nahila ni Luan papunta sa likod niya.

"Easy pare, nakikipagkilala lang. Single naman siya diba?" biro nung Aron kay Luan na ngayon ay nagdidilim na ang paningin. Mabuti nalang at inakbayan siya ni Axell kaya napunta kay Axell ang atensyon niya.

"Pasensya na mga pre, hinahanap na kami ng mga pinsan namin." paalam ni Axell saka hinila si Luan. Inilipat ako ni Luan sa gitna nila ni Axell kaya hindi na ako nalapitan pa nung Aron.

Hindi ko alam kung nakalimutan ko lang bang huminga kanina dahil nung masilayan ko na si Eury kasama ang tatlo naming bagong kaibigan ay kaagad akong nakahinga ng maluwag. Luan was about to make trouble earlier and I don't even know how to stop him kung sakaling nagkagulo nga.

"Amaris!" salubong sa'kin ni Marble na agad akong dinambahan ng yakap dahilan para mapaatras ako kasabay siya. Napalingon agad sa'min si Luan pero nabaling rin kina Czed nung akbayan siya ni Nim at inanyayahan na siyang uminom.

"Ang tagal niyo kanina pa kami uminom." saway sa'kin ni Patty na lumapit na sa'min ni Marble.

"Where's my shot then?" nakangiting tanong ko na ikinagulat nina Marble.

"What? An heiress drink too," biro ko na ikinatili nila.

"Aris! Aris! Aris!" sigawan nina Eury saka ako inabotan ng basong may lamang alak. Sinulyapan ko si Luan na nakatingin na pala sa'kin bago ko inomin ng diretso ang alak na hawak ko.

"That's hot!" sigaw ni Creim at muli ay inabotan ako ng alak. Tinanggap ko iyon at agad na ininom. Tumagal kami sa pag-iinom bago nagyayang sumayaw malapit lang sa pwesto ng boys.

May ilan kaming kakilala sa school na nakasama sa sayaw at nakapictureran rin bago ko nakitang wala na sa upuan si Czed, Zy at Vam. Probably hitting girls somewhere. Naiwan si Nim na may lumilingkis ng babae na kinakausap naman niya. Hindi naman siya allergic sa babae kaya marunong parin siya makipaglandian. Axell and Luan was the only left with no girls beside them.

"Mahuhuli ka pagnagkataon, kanina ka pa nakatitig dyan. He's well behave tonight, Aris." bulong ni Eury na ikinabaling ko ng tingin sakanya.

"Alam ko naman, sinabi niya kanina sa'kin na hindi nga siya sasama kina Vam." wala sa sariling sagot ko na ikinangisi ni Eury bago mas ginalingan ang pagsasayaw. Sunod-sunod ang magandang musika kaya sinabayan ko narin sina Eury hanggang sa mapagod kami, nag desisyon kaming maupo muna ulit sa pwesto namin kanina para magpahinga at magkwentohan.

"Axell! Oh hi, Luan!" napalingon ako sa boses babaeng narinig ko ganon rin sina Marble. Pamilyar sa'kin yung babae, she's Anrin. That the girl who likes Luan, baka nga partner na talaga sila sa kung ano mang topic nila nung araw na yon.

Sinful Desire (Book One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon