Chapter 38

8 2 0
                                    

Blinded

Days had passed and it's time for the mafia gathering. Naging maayos ang araw ko sa school though that Nyre still messing up with me. Hinayaan kong sumama sa'kin si Kono just to get rid of that guy. Tahimik naman si Kono kapag magkasama kami, just the usual serious and cold I used to know. Nagiging sweet lang siya kapag malayo sa mata ng iba. He's being sensitive too dahil pwedeng may spy si lolo at magsumbong sa ginagawa namin.

"You sure you'll attend?" tanong ni mommy habang nanunuod na ayosan ako ni Eury sa kwarto ko. Hindi ko sila pinayagan ni dad na umattend kaya maiiwan sila dito sa mansyon.

"I need to deal with him mom, I'm saving our family. Babawiin natin ang mga araw na kinuha niya sa'tin," sagot ko kay mom. Wala siyang nagawa kundi bigyan ako ng tipid na ngiti.

"Done, you look so gorgeous." bulong ni Eury kasabay nang pag-ikot ng upuang inuupuan ko paharap kay mom. Dahan-dahang lumapit si mom habang nakatitig sa'kin.

"You're grown up now, anak. Be careful." paalala niya. Tinanguan ko siya.

"I will mom." sagot ko bago tumayo para bigyan siya nang yakap.

Tapos nang mag-ayos si Eury kaya pagkatapos niya akong tulungan magbihis ay bumaba na kami agad. Naroon na sina Nim at lolo na hinihintay kami. Ang parents nina Nim ay doon na namin sa venue makikita. Ngayon na rin ang araw na haharapin namin si Kallen.

"You look good," salubong sa'kin ni Axell.

"She never look ugly in her whole existence, Ax." gatong ni Vam saka ako kinindatan. Napailing nalang ako. Nagbago na nga ang ugali ko pero ang sakanila ay nanatili parin kahit na minsan nalang namin sila makakasama dahil pareho silang may trabaho na ni Axell at minsan busy sa mafia.

"Let's go," tawag sa'min ni lolo.

Sabay na kaming lumabas nang mansyon at sumakay sa van kung saan kasya kaming lahat. Sa ibang sasakyan naroon ang ilang reapers namin at body guards.

We doubled our securities for my tita's safety lalo na at iba't ibang mafia ang makakasalamuha namin mamaya. Hindi na ako nag-abala pang papuntahin si Yen at ibang reapers ko, inutusan ko silang magmanman sa mansyon sa pamumuno ni Yen to secure my parents.

Pagkarating sa pantalan ay agad na kaming sumakay sa malaking barkong binayaran para lang sa magaganap na party. Narito rin ang panigurado ang gobyerno ng siyudad, underground businesses.

"Don't go anywhere without guards, ladies." paalala ni lolo kina tita.

"I'm only here to make sure ladies won't bother my husband," sagot ni tita Jina, Axell and Joss mother.

"Yeah right, we also want to taste some of their drinks here," gatong ni tita Fea.

"This is girls bonding, papa." sang-ayon ni tita Hallea.

Napailing nalang si papa sa naging kalokohan ng tatlo. Pagkapasok ay dumiretso sila sa bar counter na nakalaan. Sinundan agad sila ng ilang reapers at guards, pinasama ko na rin doon si Eury para masiguradong ligtas sila.

"I'll be back," paalam ni tito Max na mukhang may kakausaping kakilala. Pati sina Axell at Vam ay nagpaalam narin para ppwesto sa second floor. Kailangan nilang magmasid sa paligid para makaiwas sa gulo.

"We'll be on the deck." paalam ni Nim. Sumunod sakanya ang kambal niyang si Czed. Mabuti nalang at hindi gumana ang pagiging playboy ni Czed ngayon kahit pa maraming magaganda at sexy ang nandito.

Nanatili sa tabi namin ni lolo sina Zy at Joss para samahan kami habang ang iba kong tito ay nagpaalam ding may kakausapin o di kayay hahanap ng pwesto.

Sinful Desire (Book One) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon