After You
Kanina pa kami nagsisimula sa mga activities. Mula sa pagiging individuals hanggang sa teams kaya nagdecide muna ang aming guro para pagpahingahin kami. Kasama ko si Eury na bumalik sa tent para magpahinga, kanina parin hindi bumabalik si Luan na pinuntahan ang mga reapers na nagbabantay.
"Do you want to go outside for some fresh air?" tanong sa'kin ni Eury nung matapos na kaming magpahinga sa loob ng tent. Tinanguan ko lang siya saka kami sabay na lumabas at naghanap ng mauupuan. Nakahanap kami sa may medyo walang katao-tao kaya magandang spot iyon para sa gusto ng katahimikan kagaya namin.
Kalaunan ay nagpaalam si Eury na kakain muna dahil hindi siya sumabay sa'kin kanina kaya naiwan akong mag-isang nakatitig sa kawalan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko naramdamang may taong malapit sa'kin.
"Hey," bati ng taong kanina ko pa hinihintay. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya dahil tumabi naman siya agad sa'kin.
"Something's bothering you?" tanong niya.
"Nothing, why?"
"Kanina ka pa tulala, what are you thinking?" nakatingin siya sa kawalan habang tinatanong iyon. Still avoiding my gaze.
"Inisip ko lang yung nangyari kagabi, may kasama tayo nung gabing yon Lu. Hindi lang tayo ang nandon sa bahaging iyon nung mag-usap tayo." nababahalang sabi ko sakanya but he seems not surprise so I guess alam rin niya iyon.
"Why did you say so?" seryosong tanong niya.
"Cause I felt it! Lu believe me, someone was there!" pamimilit ko para paniwalaan niya ako pero sinuklian niya lang ako ng kunot-noo.
"I wonder if Eury trained you secretly." hindi ko inasahan ang sinabi niya at lalong nagulohan dahil hindi iyon konektado sa sinabi ko.
"Luan I'm serious." pilit kong kumbinsi sakanya.
"So am I. Lumalakas na ang pakikiramdam mo, should I start doubting you both?" biglang seryosong tanong niya na binaliwala lang ang sinabi ko. Pinaningkitan niya ako ng tingin kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng pagkailang.
Kahit hindi namin ginawa ni Eury ay pakiramdam ko guilty parin ako sa sinabi niya. This guy! He has the guts to accuse me grr.
"What? No. That's not the point here. Alam kong alam mong may tao rin don at isa pa walang kinalaman si Eury dito. Walang araw na hindi ka nakabantay sa'kin kaya alam mong hindi ako kailaman nagtrain gaya ng sinasabi mo." sagot ko sakanya.
Hindi ko alam kong bakit ko yon naramdaman pero siguro naman ay natural lang iyon sa mga tao, mararamdaman mo naman talaga kapag may nakatingin sa'yo diba? Bakit big deal sakanya iyon? Isa pa hindi ko na gusto pang ulitin ang katangahan ko na nagpahamak sakanya. Hindi na ako ulit sasali pa sa org.
"Okay enough, I get it. Mga reapers lang iyon, Amaris." sagot niya para kumalma ako. Tinitigan ko nang matagal ang mata niya para malamang hindi siya nagsisinungaling pero hindi ko rin kayang tagalan ang mga tingin niya kaya umiwas rin ako kaagad.
"H..Have you eaten?" pag-iiba ko sa usapan. Umiling siya agad bilang sagot kaya sinamahan ko nalang siyang kumain muna para makapagpahinga na siya.
Pagkatapos niya kumain ay nagpaalam siyang matutulog muna sa tent kaya si Eury ang kasama ko habang nakisali sa ilang games para sa ikalawang activity. Kailangan naming bumuo ng tatlong membro sa isang grupo kaya kailangan naming humanap ng isa pang kasama ni Eury.
"Ah...h-hi." bati ng isang babaeng hindi pamilyar sa'kin. Kinunotan namin siya agad ng noo bago ako mabilis na hinila ni Eury para itago sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Book One)
RomantikFalling in love? Sounds bad. Sounds trouble. Some things are getting into something interesting but others find it a game you just wanted to play because it's fun, because it's difficult, it's new. A unique game you're getting obsessed with. Amaris...