The Youngest Anger
Nagising akong mabigat ang katawan at talukap ng mga mata ko. Pinili kong ipikit muli ang mata ko para matulog. Ayokong bumaba at wala akong planong harapin ang pamilya ko. What I did last night, pinagsisihan kong ipakita sa kapatid kong naging mahina ako. I should have punched him. I should have showed him that I'm not the Amaris they knew.
Yung sinabi niya? That's maybe a lie. Probably just to make me shut up and I'm so stupid to believe it. Hindi naman kami close para gawin niya yon. Baka nga nagpapanggap lang siya kagabi para malaman ang mga nasa isip ko. D*mn I'm so stupid.
Napatingin ako sa pinto nung may marinig akong mabibilis na katok. Hindi ko iyon pinansin dahil mapapagod din naman iyon at aalis pero ilang minuto pa ang lumipas ay naroon parin iyon kaya padabog akong tumayo upang buksan ang pinto.
"What?" asar na tanong ko kay Nim na siyang kumatok sa pinto. One of the twins and why h*ck is he here?
"Breakfast." tipid na sagot niya. I rolled my eyes before closing the door.
"I'm not hungry." malakas na sagot ko pagkasara ng pinto but I heard another knocked again.
"Stop it, Nim." matapang na saway ko sakanya na alam kong narinig niya mula sa labas. Nanatiling tahimik sa kabila at tanging katok lang sa pinto ng kwarto ko ang naririnig ko. Tuluyan na akong nawalan nang pasensya at galit na binuksan ang pinto.
"Don't wait me to drag you downstairs, young lady." malamig na salubong sa'kin ni Luan. Sinilip ko ang likuran niya at wala na doon si Nim.
"Why are you doing this? I said I'm not hungry."
Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa bago niya ako titigan sa mata. Blangko parin ang eskpresyon niya at wala kang makikita sa mga mata niyang kahit anong emosyon.
"You need to go to school." tipid na sagot niya.
Aangal pa sana ako pero hinila na niya ako agad papunta sa baba.
"Eat now." malamig na utos niya.
Inirapan ko lang siya bago pumasok sa kusina nang may galit parin sa ginawa niyang paghila sa'kin. Inabotan ko si Nim at ang magulang kong tahimik na kumakain. Matalim na tingin ang sinalubong ko sakanila.
"What the hell is he doing here?" tukoy ko kay Nim.
"Our cousins will look after you when I'm not around." sagot ni Luan na kakapasok lang.
Sinamaan ko siya nang tingin bago naupo sa pwesto ko at magsimulang kumain.
"I'm not asking you to guard me." matalim ang tinging baling ko kay Luan. Kaswal lang siyang tumabi kay Nim at nagsimulang kumain.
Pagkatapos ko ay agad na akong umakyat pabalik sa kwarto ko para mag-ayos bago kami pumasok. Walang imik kaming tatlo sa buong byahe papunta sa school na sinasabi ni Luan. Sa labas palang ay halatang may kakaiba na sa paaralang papasokan namin.
"You're dragging me into a gangster school." asik ko sa dalawang tahimik sa harapan. Pareho silang hindi lumingon sa'kin na tila wala silang kasamang iba.
This school is a mess. Halata naman sa mga estudyanteng nakikita ko sa labas na may kanya-kanyang gulong ginagawa, they're not even wearing uniform.
"You really want me to join, don't you?" tanong kong muli sa dalawa nang makapasok na ang sasakyan sa gate. Hindi parin sila umiimik. Now Luan just proved to me that he lied. Kung hindi niya hahayaang mapasok ako sa mafia ay bakit niya hinayaang dito ako pag-aralin? I'm so stupid for believing him.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Book One)
RomanceFalling in love? Sounds bad. Sounds trouble. Some things are getting into something interesting but others find it a game you just wanted to play because it's fun, because it's difficult, it's new. A unique game you're getting obsessed with. Amaris...