The Drunk Princess
"Aris, Aris gising. Kumain ka muna," ramdam ko ang pagyugyog sa'kin ni Eury kaya napilitan akong magising. Inaninag ko pa ang paligid ko bago matauhan at kaagad na nilingon ang taong kanina ko pa binabatayan.
Nasa hospital na kami at walang araw na hindi ako palihim na umiiyak para lang makiusap sa taas na sana, sana ibigay pa siya sa'kin. Marami pa kaming pagkukulang sa isa't isa. Hindi ko alam kung paanong naging ganito ako kahina. Kahapon lang ang tapang tapang ko pa sa harap niya e pero nung hindi siya magising agad? Parang nawala ata lahat ng tapang ko.
"Aris, hey malungkot ka na naman." alo sa'kin ni Eury bago ako yakapin nang mahigpit.
"It's been one week, Eu. Kailan ba siya gigising?" nag-aalalang tanong ko. Nung makatulog siya ng gabing yon ay isinugod namin siya agad sa hospital pero pagkatapos non ay hindi na siya nagising pa hanggang ngayong isang linggo na ang nakalipas.
"Ang sabi ng doctor ay okay na siya. He needs rest, okay? He'll wake up soon, he knows you're waiting." pagpapagaan niya ng loob ko. Marahan akong tumango sakanya habang pinipigilang umiyak dahil ayokong makita nilang nagiging mahina na naman ako.
Hindi mahirap kilalanin ang kapatid ko kaya kahit sa maikling panahon ay naging malapit na kami agad tulad ng mga magkapatid na sabay na lumaki kaya hindi na nakakapagtaka kung ganito ako nag-alala sakanya. He save me but I failed to save him.
"Here kumain ka muna," alok ni Eury saka inabot sa'kin ang isang sopas. Nginitian ko siya bago iyon tinanggap at sinimulan nang kainin.
Buong umaga ay tahimik lang akong nagbabantay kay Luan hanggang sa dumalaw si mommy at umuwi si Eury. Sinabihan niya akong mag dinner muna sa cafeteria ng hospital at siya muna ang magbabantay kaya ginawa ko na lamang. Pagkatapos kumain ay bumalik ako agad sa kwarto ni Luan pero nagulat nalang ako dahil narinig kong tila nagkakagulo sila sa loob.
"Calm down son," rinig kong sabi ni dad.
"Where is she dad?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses mula dito sa labas. He's awake! Finally gising na siya! Agad akong nakaramdam ng kaba habang nakikinig sakanila dito sa labas. Hindi ko maitatanggi ang sayang naramdaman ko dahil sa muli ay narinig ko na ulit ang boses niya. Okay na siya at hindi ko na kailangang umiyak nang paulit-ulit dahil sa pag-aalala at takot.
"She's just having her dinner, come'on son babalik din yon," rinig ko pang sabi sakanya ni mommy.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok na agad sa kwarto niya. Sabay nila akong nilingon at agad na ngumiti si mommy sa'kin saka tumabi para bigyan ako ng daan papunta kay Lu. Dumiretso ako agad sakanya para yakapin siya.
"Lu...namiss kita," mahinang bulong ko kasabay nang pag-yakap ko sakanya. Ramdam ko ang marahan niyang haplos sa buhok ko.
"I know. I know I'm sorry for keeping you wait." bulong niya bago gawaran ng halik ang buhok ko.
"Promise me Lu, promise me you will not do that again." mataray ang boses na pakiusap ko saka niluwagan ang pagkakayakap ko sakanya para tingalain siya. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko nang may ngiti sa labi saka siya tumango ng marahan.
"Nako kayo talagang magkapatid oh, nagkabati lang ay hindi na halos mapaghiwalay." saway sa'min ni mommy kaya kusa na kaming bumitaw sa pagkakayakap saka ako nakangiting bumaling kay mommy.
"I've wasted a lot of chance mom," sagot ko bago binalingan ng tingin si dad na seryosong nakatingin sa kamay ko na hawak ang kamay ni Luan. Bigla na lamang siyang umalis nang hindi nagsasalita. Why is he acting that way?
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Book One)
RomansaFalling in love? Sounds bad. Sounds trouble. Some things are getting into something interesting but others find it a game you just wanted to play because it's fun, because it's difficult, it's new. A unique game you're getting obsessed with. Amaris...