Denise
"Ano teh?!uuwi nalang ba tayo?!Hindi mo man lang ba siya kakausapin?"tumingin lang ako kay Janus at mapait na ngumiti dito.
"Hindi na muna siguro."Pilit ang ngiting tugon ko kay Janus at tumingin sa tagiliran ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at idinial ang number ni Evo.Itinapat ko ito sa tenga ko at hinintay kong sagutin niya,pero napakunot nalang ang noo ko nang ilang minuto't ilang ring na pero wala pa ring sumasagot mula duon.
"Problema?Walang sumasagot?"Tinignan ko si Janus at tumango tango dito habang nakakunot padin ang noo ko.
In-End ko muna yung call pagkatapos ay tinawagan ko ulit siya at katulad kanina ay nagriring lang ng nagriring.Hindi ko alam kung bakit at kung anong meron sa sarili ko at bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.
"Evo..Ano ba?!Sagutin mo naman oh.."Stress na stress pero mahinang sambit ko lang sa sarili ko habang patuloy lang sa paghihintay na sagutin ni Evo ang tawag ko.
Paulit ulit ko lang ginagawa at paulit ulit ko lang na tinatawagan si Evo pero wala,walang sumasagot mula sa kabilang linya.Naiwan ba niya yung phone niya?Hindi e,kanina nakita ko pa may dala dala siyang cellphone nung paglabas niya nang bahay nila.Actually may kausap pa nga siya.Pero bakit ganun?Bakit hindi niya sinasagot yung tawag ko?
"Hay nako Denise!!Later mo nang icall call yang si Fafa Evo at tomjones na ko."Tinignan ko nang masama si Janus na siyang nagsalita at agad naman ako nitong inirapan."What?!"
"Letse!Nagawa mo pang mag inarte nakita mong nai-stress na ko dito!"Sigaw ko sa kanya at inirapan din siya.
"Ay Stress kana ba?Akala ko hindi pa."Itinaas ko yung kamao ko at balak ko na sana siyang suntukin sa tiyan na apra masikmuraan pero bigla itong nagpeace sign sa akin.
"Echos lang Sis!Hahahahaha."
Hindi ko nalang siya pinansin pa at tumingin ako sa labas nang kotse ko pagkatapos ay ibinaba ko na yung cellphone ko,Siguro mamaya ko nalang ulit siya tatawagan.
Pero baka may ginagawa silang dalawa ni Etienne?
Hindi!!Hindi magagawa saakin ni Evo ang bagay na iyon!Alam kong hindi ako magagawang lokohin ni Evo!Alam kong mahal niya ko!
Pero..
Pero pano kung meron nga?!
"ARRRRRRRRRRG!!!!!!"
Napahampas nalang ako nang dalawang kamay ko sa manibela at inis na tumingin sa harapan ko,ewan ko pero parang biglang nagbago yung mood ko.Parang gusto kong mambugbog nang isang tao,Parang gusto kong pumatay na hindi malaman.
"Omayghad!Huy!!!Nakakagulat ka!"napatingin ako kay Janus at tinitigan ito nang masama."Oh?Ba't ansama mong makatingin?"
"Alam mo bang gustong gusto kong pumatay ng tao ngayon?"Walang emosyong tanong ko kay Janus,nanlaki naman ang mga mata nito habang nakatingin saakin.
"W-w-wait.....D-denise...."
"HAHAHAHAHAHAHA"
Bigla nalang akong napahagalpak nang tawa nang manlaki nang sobra yung mata ni Janus at mukhang takot na takot na siya habang nakatingin sa akin at parang anytime ay hihimatayin na siya at handang tumakbo papalabas nang sasakyan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/14350839-288-k444321.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)
General FictionKung dati ay tahimik lang ang mundo ni Denise at okay na okay na siya sa pagsulyap sulyap sa taong lihim niyang minamahal,Yung tipong nakatingin lang siya sa malayo kahit na may mga tao sa likuran niyang ginugulo ang buhay niya ay wala siyang pakela...