Denise's POV
IDINILAT ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga liwanag na siyang tumatama sa mga mata ko.
"Oh,Gising kana pala."napatingin ako sa bandang gilid kung saan nang-gagaling yung sinag ng araw at natagpuan kong nakatayo duon si Seven na may hawak hawak na mug.
"A-ahh Oo...A-asan ako?"tanong ko sa kanya dahil hindi pamilyar saakin ang lugar na ito.
Alam kong hindi ito sa bahay namin lalo na't hindi ito sa bahay nila Seven o sa kwarto niya,Pamilyar ako sa bahay at mga kwarto nila kaya nasisigurado kong hindi ito sa bahay nila.
"Andito ka sa condo unit ko Denise."napatango tango ako sa sinabi niyang iyon at unti unting na-upo sa kamang hinihigaan ko.
Napahawak pa ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng konting pagkahilo,ipinikit ko panandalian ang mga mata ko at saktong pagkadilat ko ay halos mapasigaw ako sa gulat ng makita kong nasa tabi ko na si Seven.
"Okay ka lang?"
Hindi ako sumagot sa tanong niyang iyon at tumango tango nalang ako sa kanya.Inalis ko yung kumot na nakabalot sa kalahati ng katawan ko at nagbabalak na sana akong tumayo pero muli nanaman akong nakaramdam ng hilo kaya natumba ako sa kama.Mabuti nalamang at nasa gilid si Seven at agad agad niya akong naalalayan ng muntikan na akong bumagsak.
"S-salamat."Mahina kong sambit dito.
"Maupo ka na muna jan.Nahihilo ka pa ba?"Marahan akong tumango sa kanya at pagkatapos ay tinignan ko yung damit ko at napakunot ang noo ko.
Tumingin ako kay Seven at napansin kong nakatingin din siya sa damit ko.Agad itong namula at umiwas ng tingin saakin.
"Ikaw ba ang nag-palit ng damit ko?"seryoso kong pagtatanong dito.
Hindi ito sumagot at nagmamadali itong tumayo.
"O...Oo."
Ewan ko kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon,Biruin mo?!Ex-boyfriend mo ang magpapalit sayo ng damit habang ikaw ay walang malay at tulog na tulog sa kama mo?!Well hindi naman sa nahihiya ako sa katawan.Pero hindi padin okay yun.Hello?!Kitang kita niya yung ano ko!malamang pinalitan niya din padin yung Undies ko!
Pero hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sobrang pula ng mukha ni Seven at halos makagat na niya yung dila niya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
"L-labas muna ko."hindi na ko sumagot pa sa kanya dahil nagmamadali na itong tumayo para lumabas ng kwartong to.
IPINIKIT ko ang mga mata ko at marahang napa-buntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)
Genel KurguKung dati ay tahimik lang ang mundo ni Denise at okay na okay na siya sa pagsulyap sulyap sa taong lihim niyang minamahal,Yung tipong nakatingin lang siya sa malayo kahit na may mga tao sa likuran niyang ginugulo ang buhay niya ay wala siyang pakela...