-38-

2.6K 63 5
                                    

A/N:Sorry for the long wait..Hindi ko po kase talaga maisip kung pano ko isusulat ito e..Sana po ay masulit ang paghihintay niyo ng matagal hehehehehe :D.Vote and Comment naman po kayo para malaman ko kung ayos lang ^_____^V.

3 Or 4 Chapters to go!!! ^__^V.Yayyyyyy!!!



Third Persons POV


Masaya at walang kamalay malay na naglalakad sa isang mall si Red at ang kanyang kapatid na si Janus.

"Tinawagan mo na ba si Denise?"

Tumango tango si Red sa kapatid niya,hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng kakaiba habang patuloy silang naglalakad.Para bang may nangyayaring hindi maganda sa kaibigan nila.

"Eh sila Patricia?"

Biglang napakunot ang noo ni Red sa tinanong na iyon ni Janus.

"Anong meron kila Patricia?"

"Gaga ka talaga Sister!Malamang makikipagkita tayo sa kanila ngayon!"

Nanlaki ang mga mata ni Red at napatingin sa kapatid niya.

"Anong sabi mo?Sila Patricia?Teka!Andito naba sila?!"gulat na tanong ni Red sa kapatid niya.

Sa pagkakaalam niya ay sa susunod na linggo pa makakauwi sila Patricia galing sa Paris.

"Lutang kaba Sister?Anong brand ng katol ang nasinghot mo?"Sarkastikong pagtatanong ni Janus sa kapatid niya at inirapan ito."Kanina lang sila dumating,Napaaga daw ang flight nila at gusto nila agad tayong makita."

Napataas ang kilay ni Red sa sinambit na iyon ni Janus.

"Ba't hindi nalang sila pumunta sa bahay?"Tanong ni Red habang nakakunot ang noo.

"Ay Sister wit ko ding knows!"Ngumiwe si Red sa kapatid niya at hindi na ito pinansin pa.

Kinuha niya ang cellphone niya at duon niya lang napansin na may tumatawag pala sa kanya.

 "Si Tiffany?Ba't naman natawag ang isang to?" Pagtatanong ni Red sa sarili niya dahil kahit na kelan ay hindi tumawag sa kanya si Tiffany at kahit na mismong text ay hindi nito ginagawa.

Parang bigla naman itong kinabahan at pakiramdam niya ay may kakaiba itong sasabihin sa kanila.Agad niyang tinawagan ang number na iyon ni Tiffany at ilang ring lang ay agad itong sinagot.

 "Hello?....Ate Red?Ikaw ba yan?"

Napakunot ang noo ni Red ng mapansin niyang parang kinakabahan at natatakot ang boses ni Tiffany.

"Oo ako to.Ba't ka pala napatawag kanina?Sorry may inaayo——"

Napahinto sa pagsasalita niya si Red ng biglang nagsalita si Tiffany.

 "Ate Red...Melody needs your help."

Kunot ang noo'ng napatingin si Janus sa kapatid niyang seryosong nakikipagusap sa cellphone niya.

"Sino yan?"Pagtatanong ni Janus sa kapatid niyang may kausap sa phone.

 "Si Tiffany.." Pabulong na sambit ni Red at iniwas na ang tingin kay Janus.

"Ano bang nangyayari?Bakit ba parang takot na takot ka?"

Seryoso si Red habang kausap niya si Tiffany sa phone pero hindi niya maintindihan sa sarili niya kung bakit parang pati siya ay kinakabahan sa sasabihin ng isang to tungkol kay Denise.

The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon