Denise's POV
Six Years Later.
"Daddy....i got something for you~" Napangiti ako ng makita ko ang anak ko habang kinakausap ang tatay niya. Tuwang tuwa ang mukha nito habang nakaharap sa Daddy niya.
"Daddy nag top 1 ako sa klase ko. Tuwang tuwa nga si Mommy dahil naging top 1 ako e."Umupo ako sa gilid habang patuloy kong pinapanood ang anak ko at kausap ang daddy niya.
"Kaso Daddy nalulungkot ako... Nalulungkot ako dahil wala ka nung araw na in-award-an ako sa stage... Wala ka nung araw na yun.. Sana nakita mo kung paanong umiyak si Mommy habang sumisigaw na anak niya ko." Napansin kong may tumutulong luha sa mga mata ng anak ko habang kausap niya ang daddy niya.
"Miss na miss na kita Daddy....."
Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko at maliit na ngumiti dito pagkatapos ay naglakad ako papalapit sa anak ko.
"Devonne. Tama na ang iyak. Baka magalit ang Daddy." sambit ko kay Devonne na siyang anak namin ni Evo. Tumingin naman saakin si Devonne at tumango tango. Muli siyang tumingin sa Daddy niya at kumaway kaway.
"Babye Daddy, Balik nalang po kami ni Mommy." Nakangiting sambit ni Devonne habang kumakaway kaway sa puntod ng ama niya.
Six Years ago mula ng pumanaw si Evo. Hindi ko alam ang gagawin ko habang kausap ko nun si Evo. Ikinekwento ko sa kanya lahat ng karanasan naming dalawa habang magkarelasyon kami. Ang mga bagay bagay na ginagawa namin.
Yung unang beses naming nagkita nung mga bata pa kami....
Yung unang beses ko siyang sinapak dahil sa kakulitan niya nun. Kung papaano nangyari ang lahat. Kung papaano naging kami. Kung papaano nagkaroon ng tapuhan... Kung papaano namin binuo ang Devil Nine... Kung papaano kami magmahalan ng mga panahon na iyon.
Iisang linya ng mga salita nalang ang natatandaan kong sinambit niya nung mga panahon na iyon.
Mahal na mahal kita Mandy.....
Ang mga salitang iyon ang siyang dumurog sa puso ko. Matapos niyang sabihin iyon ay pumatak ang mga luha sa mata niya at kasabay nun ay ang unti unting pagbigay ng katawan niya... Dumiretso ang mga linya sa isang makina na siyang nagpapakita ng buhay niya.
Parang huminto ang lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid ko ng mga oras na iyon. Tanging nagpaulit ulit lang sa tenga ko ang sinabing iyon ni Evo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon.
Ni hindi ko na nga natandaan kung anong nangyari pagkatapos nun. Basta nagising nalang ako at nalaman kong ... Wala na siya... na wala na ang lalaking minahal ko..
Sa bawat araw na lumipas ay hindi ko matandaan kung papaano ko nagawang mabuhay.. kung papaano ko nagawang kumilas ng mag isa at iisipin kung papaano kong bubuhayin ang anak namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/14350839-288-k444321.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)
General FictionKung dati ay tahimik lang ang mundo ni Denise at okay na okay na siya sa pagsulyap sulyap sa taong lihim niyang minamahal,Yung tipong nakatingin lang siya sa malayo kahit na may mga tao sa likuran niyang ginugulo ang buhay niya ay wala siyang pakela...