Someone's POV
"Ginagawa mo ba lahat ng inuutos ko sayo ha ? " napatingin ako kay Kuya habang patuloy ako sa suklay ng buhok ng Manika ko"Oo ginagawa ko lahat . " walang ganang sagot ko at patuloy na sinusuklay suklay ang buhok ni Jenny ang Manika ko , Minsan kinakausap ko ito kahit na nakatingin lang ito sa akin at palaging nakangiti , minsan ay napagsasabihan na akong mukhang tanga nila Daddy at ng Step mom ko pero wala akong pakelam , siya nalang ang tangi kong nakakasama dito sa bahay simula ng hindi na dito nakatira ang kapatid ko .
"Siguraduhin mo lang na maayos mong ginagawa ang pinapagawa ko sayo ."
"Oo maayos kong ginagawa lahat ng pinaguutos mo kuya , wag kang magalala alam kong magiging matagumpay lahat ng pinaplano mo " tumayo na ako at walang lingon lingon na naglakad palabas ng pintuan ng Kwarto ko , bubuksan ko pa lang sana yun ng biglang pumasok ang babaeng nagpagulo sa tahimik kong mundo .
"Hi My Dear long time no see ? " nakangiti nitong sambit sa akin ng makasalubong ako nito , tumingin muna ito sa likuran ko dahil malamang ay tinignan niya muna ang kapatid ko bago muling tumingin sa akin .
"Tss" singhal ko lang pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko , sinadya kong banggain ang braso niya , simula ng dumating siya dito sa bahay na to ay nagkagulo gulo na ang tahimik kong buhay , hindi ko nga alam kung bakit pa siya kinupkop ni kuya Andrei , eh simula pa lang nung makita ko siyang pumapasok sa pamamahay na to eh hindi ko na nagustuhan ang pagkatao niya lalo pa sa paraan niya ng pagsasalita .
Naiirita ako tuwing may inuuwing tao sa bahay na to ang kapatid ko lalo na kapag ang taong yun ay pinagsisilbihan niya upang maghiganti , hindi ko rin malaman kung bakit niya ginagawa ang bagay na yun , lahat ng tao sa paligid niya gusto niya pinaglalaruan siya , gusto niya inaalila siya pero pagkatapos siyang alilain at gawing tauhan may ginagawa siyang mga bagay na hindi gugustuhin ng mga taong dati'y pinagsilbihan niya ....
"Mam Chin , saan po ang punta niyo ? " tanong sa akin ni Manang Melda ang isang maid namin dito sa bahay .
"Uuwi na po muna ko dun sa tinutuluyan ko manang , ayoko dito sa bahay na to " seryosong sabi ko kay Manang , para namang naunawan niya ako dahil alam kong ayaw niya din sa Danica na yon , alam ko kaseng nag pi-feeling reyna reyna-han dito sa bahay ang babaeng yan , Hindi ko naman siya mapatulan dahil alam kong ako ang mapapasama sa mata ni Kuya .
inihatid lang ako ni Manang sa labas at pinagbuksan ako ng Gate para mailabas ko yung sasakyan ko , nakangiting kumaway sa akin si manang bago niya isarado ulit ang Gate .
Tumingin ako sa may Passenger Seat kung saan ko inilagay si Jenny , "Siguro naman Jenny kapag natapos ko ang Misyon ko ay mapapatawad niya kong ulit diba ? " sabi ko sa nakangiting si Jenny tapos napabuntong hininga nalang ako .
Denise POV
nakapatayo ako nang tumunog yung doorbell ng Condo ko , Napansin kong napatingin si Tiff sa pintuan tapos tumingin lang sa akin then pinagpatuloy na ulit yung ginagawa niya , Ako naman ay tumayo at lumapit sa may pintuan at binuksan ito .
BINABASA MO ANG
The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)
Fiksi UmumKung dati ay tahimik lang ang mundo ni Denise at okay na okay na siya sa pagsulyap sulyap sa taong lihim niyang minamahal,Yung tipong nakatingin lang siya sa malayo kahit na may mga tao sa likuran niyang ginugulo ang buhay niya ay wala siyang pakela...