-40-

3.1K 73 2
                                    

(A/N:Hello po ^^,Sorry po kung ngayon lang ako nag-update ah?Sana po magustuhan niyo ito.Sana po maging ayos na to.Hirap na hirap ako mag-update dahil sa nagiging adik nanaman ako sa LOL.Pero promise po tatapusin ko po ito^^ hehehehe,Two More Chapters to go?Or One then Epilogue na ^^)




Denise POV


"Etienne."


Parang gusto kong umalis mula sa kinatatayuan ko habang tinitignan ko ang babaeng ngayon ay nakatingin saakin.May lungkot sa mga mata nito,Malaki ang mga itim sa paligid ng mata at kapansin pansin na pumapayat ito.


"Hi Denise."bati nito saakin ng mayroong maliit na ngiti sa kanyang mga labi.


Hindi ko alam kung babati din ba ako sa kanya o kung ano.Ilang linggo na din mag-mula ng huli ko siyang nakita kasama ang ama ng anak ko.Madami ng nagbago sa bawat pagdaan ng araw at katulad ng mga pagbabagong iyon ay mapapansin mong malaki rin ang pinagbago niya.


Namatay siya.


"H-hello.."bati ko dito at tumingin ako kay Seven na parang naghahawatig dito.


Ngumiti ito saakin pagkatapos ay tumingin siya kay Etienne.


"Sorry miss pero may pupuntahan pa kami nitong Fiancè ko."


Ewan ko pero napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Seven kaya agad akong napatingin sa kanya.Tumingin lang ito saakin at ngumiti pagkatapos ay tumingin kay Etienne na ngayon ay nakakunot na rin ang noong nakatingin saamin.


Maya maya pa ay unti unting nawala ang kunot ng noo nito at unti unting tumataas ang kilay niya.Alam kong napansin niyang tinitignan ko siya kaya naman ibinaba niya ito at tumingin saakin.Diretso sa mga mata.


"Sige....mauna na din ako."Sambit nito at naglakad na para lagpasan kaming dalawa ni Seven.


Alam kong dapat nagagalit ako sa kay Etienne dahil sa kanya nawala saakin ang lalaking dapat ngayon ay nasa tabi ko.Nang dahil sa kanya wala ang ama ng anak ko....nang dahil sa kanya hindi na mabubuo ang pamilyang matagal ko ng gustong buuin kasama ang lalaking mahal ko.


Napayuko ako ng makaramdam nanaman ako ng sakit sa dibdib ko.Naramdaman ko ang paghawak ni Seven sa kamay ko kaya naman tumingin ako dito.Maliit na ngumiti ito saakin.Yung mga ngiti niyang iyon,Parang nagsasabing kaya ko to.Na nanjaan lang siya sa tabi ko sa mga oras na to.


"Ahhh Denise..."


Napalingon ako ng tawagin ni Etienne ang pangalan ko.Nakangiti ito saakin pero kapansin pansin ang lungkot sa mga mata niya.


"Hmmm?"


"Sorry..."


Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Etienne at parang hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit kinakabahan ako ng marinig ko ang salitang iyon.

The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon