-31-

2.5K 63 5
                                    

Denise POV

"Tonton who is she ? " pagtatanong ko kay Tonton habang nakatingin sa isang napakagandang batang babae na katulad ko .

"Siya si Chinchin Denden bago kong kaibigan "nakangiting sabi ni Tonton at agad namang nawala ang mga ngiti ko dahil sa sinabi niyang iyon .

"bago mo siyang kaibigan tonton ? pero s-sabi mo a-ako lang kaibigan mo ? " may pagtatampong sabi ko sa kanya . ngumiti naman ito sa akin 

"Hindi naman pwedeng ikaw lang ang kaibigan ko Denden , Syempre magkakaroon din ako ng mga bago kong kaibigan habang tumatanda ako " sabi nito at nagulat ako nang tumalikod ito sa akin at humarap dun kay Chinchin 

"Chin halika na baka hinahanap kana ng Mommy mo dun "sabi nito dun sa chinchin pero nagsimula na itong maglakad samantalang iyong chinchin ay nakatayo padin sa pwesto nito .

"Teka Ton masakit yung paa ko , d-diba nga may sugat ?"  sabi nung Chinchin kay Tonton , 

"Ayy oo nga pala nakalimutan ko na "agad namang umupo si Tonton sa harapan ni Chinchin at etong si Chinchin naman ay agad na pumasan kay tonton .

"T-teka Tonton " bigla kong sabat , agad akong pinanghinaan ng loob habang nakatingin sa kanilang dalawa. Dati ako ang binubuhat ng ganyan ni Tonton pero ngayon iba na ang binubuhat niya .

"Bakit Denden ? "pagtatanong nito . Magsasalita pa sana ako nang makita kong nakatingin sa akin si Chinchin kaya umiling iling nalang ako at tinignan nalang silang dalawa . "Kung wala ka palang sasabihan maari bang mauna na kami Denden ? bukas nalang ulit tayo maglaro at ihahatid ko pa si Chinchin sa mommy niya "tinanguan ko nalang sila at pinanood habang naglalakad siya papalayo sa akin .

nang makalayo na sila ay agad akong napaupo sa kinatatayuan ko at niyakap yung binti ko . Duon na nagsimulang magsipagpatakan ang mga Luha ko .

'Akala ko Tonton ako lang ang Princess mo , akala ko ako lang ang bubuhatin mo ng ganyan , akala ko .. akala ko ako nalang ang kaibigan mo .. pero akala ko lang pala lahat ng yun Tonton . '

Patuloy lang ako sa pagiyak nang may naramdaman akong umupo sa may Tabi ko , agad ko namang itinaas ang mukha ko at inaasam na baka si Tonton na ito at binalikan ako . pero laking dismaya ko nang makita kong si Benben ito , Nakangiti ito sa akin.

"Bakit ka nanaman ba umiiyak ? "pagtatanong nito .

"Wala kang pakelam ! "sigaw ko dito at agad akong tumakbo papalayo sa kanya , umuwi na ako ng Bahay namin at duon nagsimulang umiyak ng umiyak .

........

"Hello "napataas ang isang kilay ko nang bigla kong makita si Chinchin at nang batiin ako nito .

"Anong kailangan mo ? "mataray kong tanong dito , akala ko ay matatakot na ito sa akin at lalayo pero laking gulat ko nang patuloy parin itong nakangiti.

"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo Denden . Sabi kase ni Tonton mabait ka eh kaya gusto ko ikaw na ang maging Bestfriend ko "

The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon