Final Chapter(Part 1)

3.3K 66 4
                                    

(A/N:Hello po ^^ Sorry po sa sobrang tagal ng update ah?Busy po sa page-enroll e. You know. Pasukan. Hahahaha ^^ Sana po ay magustuhan niyo itong update ko. Final Chapter will be having 2 Parts dahil alam kong mahaba talaga siya. Sa isip ko palang mahaba na sa isusulat ko pa kaya ? Hahahaha Then After ng another part ay Epilogue na.Gulo ba?Ay nako bahala na ^^.Hehehehehe May new story na na tumatakbo sa utak ko. Hmmm, Kasunod nito which means Anak ni Denise.... Hehehe)



Melody's POV


Hindi ko alam kung papaano ko ba patutulugin ang sarili ko habang nakahiga ako sa malaking kama na ito.


Patuloy lang ako sa pag-ikot at kahit na sobrang gabi na at bawal saakin ang mag-stay ng gising hanggang ganitong oras ay hindi ko alam kung papaano ko papatulugin ang sarili ko.


Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabing iyon saakin ni Seven,Bawat linya ng salita niya ay paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.Para itong sirang recorded tape at paulit ulit na nagpe-play sa utak ko.


"Maghihintay ako Denise...Kaya kong maghintay ng sobrang tagal dahil.....dahil mahal na kita.....Hindi,Mahal pa rin kita."


Ang mga kataga niyang iyon ang nagpa-bilis ng takbo ng puso ko.Ang mga kataga niyang iyon ang nagpapagulo sa utak ko.


Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya sa oras na iyon.Ni hindi ko nga alam kung papano ako nakaalis sa lugar na iyon ng oras na iyon.Huminto ang bawat gumagalaw sa paligid ko.Nawalan ng tunog ang bawat tunog ng kung ano anong nakapaligid saaming dalawa.


Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay naririnig niya na ang sobrang lakas ng pintig ng puso ko.Pakiramdam ko pa ng mga oras na iyon ay hindi ako makahinga at para akong mamamatay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


Tinalikuran ko nalang siya at nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon,nakasalubong ko pa sila Krystal at si Jiho pero sinabi ko sa kanilang masama ang pakiramdam ko.


Inihatid ako papauwi ni Jiho kasama namin si Krystal at mukhang nakakaramdam naman sila na hindi ako komportable na makipag-usap sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon kaya sobrang tahimik namin sa loob ng sasakyan.


Naguguluhan talaga ako,Hindi ko alam kung papaano ba ko matutulog sa mga oras na to ng hindi bumabalik sa isip ko ang sinabing iyon ni Seven.


Bakit ganito ang nararamdaman ko?Hindi ko na siya mahal.Naka move-on na ko.Si Evo ang mahal ko,sigurado akong siya ang mahal ko...pero bakit ganito ang nararadaman ko sa sinabing iyon ni Seven?


"Noona?"


Agad akong napalingon sa pintuan ng kwarto ko at napabangon ako ng kama ko ng makita kong naka-silip si Daniel sa pintuan ng kwarto ko.Naka-kunot noo ito habang tinitignan ako.


"Ba't gising kapa?"Tanong ko dito habang nakaupo ako sa kama ko.


Ngumiwi ito saakin at kinunotan ako ng noo pagkatapos ay pumasok ng kwarto ko.Isinara niya muna ang pintuan bago siya lumapit saakin.


The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon