-37-

2.4K 59 1
                                    


Hi hello ^_^.
Eto po ang update ko ngayon.Sorry po kung natagalan ah?Sana po magcomment at magvote kayo para naman kahit papaano mas ganahan ak oehehehehe.Malapit na rin siyang matapos pero hindi ko alam kung ilang chapters pa^_____^.

LoveLots<3

Bitin to pero sana magustuhan niyo.


Denise POV


"Arrrrg!!!"napaungol nalang ako sa sakit na nararamdaman ko ng maramdaman kong may mahigpit na bagay ang nagkakabit sa mga kamay ko.

Idinilat ko ang mga mata ko pero nahihirapan ako dahil sa hilong nararamdaman ko.Ano bang nangyari?Hindi ba't kanina lang ay masaya kaming magkakasama nila Seven sa isang park at nagkekwentuhan ng kung ano ano?!Bakit biglang nakatulog ako?

Pilit kong inaalala lahat ng nangyari pero sumasakit lang ang ulo ko.Tumingin ako sa gilid ko at napakunot ang noo ko at unti unting nanglalaki ang mga mata ko ng makita kong nakalumpasay sa magkabilang gilid si Seven at si Jiho.Hindi iyon ang ikinagulat ko kung hindi dahil sa naliligo sila sa sarili nilang dugo.

Para akong maiiyak habang tinitignan ko silang dalawa na nakahilata at nakatingin lang saakin na para bang anytime ay bibigay ang katawan nila't hindi na gigising pa.

"S-seven?!Jiho?!Anong nangyari sa inyo——B-bakit?...."Napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong pati ako ay nakatali pero wala ni isang bakas ng dugo ang meron sa damit ko.

Napatingin ako sa tyan ko..

Napahinga naman ako ng maluwag ng walang bakas ng sugat at sakit ang nararamdaman ko mula duon.alam kong safe ang anak ko.Lumingon lingon ako sa kabuuan ng lugar kung saan kami nakalagay nila Seven at duon ko lang napansin na nasa isa kaming lumang budega.

"D-denise...G-g-gising kana..."Napalingon ako kay Seven ng biglang magsalita ito.

Hirap na hirap itong magsalita at napansin kong pinipilit niyang tumayo pero natutumba't natutumba din siya.

"Asan ba tayo?Anong ginagawa natin dito?"Pagtatanong ko kay Seven habang pilit kong kinakalag yung taling nakalagay sa mga kamay ko.

Umiling iling si Seven at yumuko.

"Hindi ko din alam..."sambit ni Seven at tumingin kay Jiho na siyang walang malay.

"Oooh...Gising na pala ang prinsesa."napalingon ako sa pintuan kung saan biglang pumasok ang isang napakapamilyar na babae.

Napakunot ang noo ko dito dahil hindi ko siya maaninag ng maayos pero ng matapat siya sa liwanag na dala ng araw na nagrereflect mula sa bintana sa taas ng budega ay duon ko lang nakilala ang babaeng iyon.

"Danica."walang emosyon kong sambit dito.

Third Person's POV

Nagaalala at hindi alam ang gagawin na umiiyak si Krystal habang yakap yakap niya ang anak ni Jiho na siyang itinuring na rin niyang anak niya.Kanina ay nagdesisyon siyang mag-CR dahil sa sobrang naiihi na siya dahil sa kabang nararamdaman niya.

Natatakot siya sa maaaring mangyari para sa boyfriend niya ngayong may nagsabi sa kanya na nakita itong nakipagbugbugan sa mga malalaking lalaki na siyang nagbalak na kumidnap sa kasama daw nilang babae na siyang si Denise.

"Miss kilala mo ba kung sino ang kumuha sa mga kaibigan mo?"Inis at galit na galit na tumingin si Krystal sa isang pulis na kanina pa tanong ng tanong sa kanya.

The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon