CHAPTER 02: Home Sweet Home

2.8K 107 6
                                    

Chapter 02: [Home Sweet Home]

CRIVO

Naalimpungatan ako ng gising nang dahil sa walang tigil na pagtunog ng aking cellphone. Kinuha agad ito ng kamay ko at agad na binasa ang nakasulat sa screen.

"S-Sh*t!" Bulalas ko nang marealize kung ano ang nakalagay rito. Nagising naman si Dos na naistorbo ko ang pagtulog.

"Bakit? Anong problema?" Tanong niya.

"Pauwi na raw sila mama. Kanina pa nag-message, baka malapit na 'yon!" Natatarantang sabi ko. Sino ba namang hindi kakabahan at sobrang gulo ng bahay dahil sa nangyari sa amin kagabi.

"Kalma lang," malumanay na sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Tara, maglinis na tayo bago pa sila dumating."

Napakalma naman ako nang dahil sa sinabi niya. Ang aga-aga pero pinapakilig na niya ako. Kulang na lang ay gumanti ako ng halik sa kaniya kaso baka mauwi na naman sa kantut*n ang lahat kaya pinigilan ko muna na.

Mabilis naming nilinis ang mga kalat na tinulugan namin kagabi. Pinabango ang sala dahil amoy tam*d pa rin ito. Nagluto na rin ako ng almusal namin at ulam para sa tanghalian. Si Dos naman ang nagkusang maghugas ng mga pinggan na naiwan rin kagabi pa. Sa sitwasyon namin ngayon, para na kaming mag-asawa na nagtutulungan sa gawaing bahay.

"Kumusta? Napagod ka ba?" Tanong ko kay Dos na naupo na sa sala. Akalain mo 'yon? Nagawa kong paglinisin ng bahay ang dating bumu-bully lang sa akin.

"Hindi naman. Isang halik mo lang, solve na lahat," paglalambing naman niya.

Pinagbigyan ko ang hiling niya at hinalikan siya sa labi. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya na hinahalikan siya.

Ang gwapo niya pa rin kapag seryoso siya o kaya nama'y ang lambing niya. Wala akong mapili sa dalawa, pareho kong gusto. Pero napaisip ako, ano ba talaga kami ni Dos? Sino ba ako para sa kaniya?

Ilang saglit pa'y narinig ko na ang tricycle na huminto sa tapat ng gate. Ipinahanda ko naman si Dos at sinabing magpapakilala kami bilang magkaibigan sa mga magulang ko. Sumang-ayon naman siya at sana hindi kami paghinalaan nila mama.

"Oh 'nak, dalhin mo na 'to," sabi ni mama habang iniaabot ang pinamili niyang gulay. Mukhang dumaan na sila ni papa sa palengke.

"Mano po," sabi ko sabay abot sa kamay ni mama.

"Okay ka lang naman dito na mag-isa kagabi?" Tanong naman sa akin ni papa.

"Opo Pa. Actually may kasama po ako kagabi, kaibigan ko po," tugon ko naman. Ikinagulat naman pareho ng mga magulang ko nang magmano si Dos sa kanila.

"Mano po," magalang na sabi ni Dos kila mama at papa.

"Aba'y pagka-gwapong bata ah," puri ni mama kay Dos na ikina-ngiti ko.

"Seryoso ba 'to? Nakakagulat ah, first time magdala ni Crivo ng kaibigan dito sa bahay," sabi naman ni papa. Tiningnan naman ako ni Dos at pasimpleng nginitian.

Pumasok na kami sa loob at naghain na ng pananghalian. Nakuha pa namin ni Dos na patagong magharutan sa mga magulang ko. Mukhang ini-enjoy niya ang sitwasyon namin ngayon.

"Ano palang inalmusal ninyong dalawa?" Tanong ni mama sa amin.

Ako na ang sumagot. "Nagprito lang po kami ng hotdog pati itlog."

"May tanong po ako?" Nagulat naman ako nang biglang magtanong si Dos. "Favorite po ba ni Crivo ang hotdog at itlog? Napasarap po kasi ang kain niya kanina eh."

Binigyan ko naman siya ng confuse na reaksyon dahil sa tanong niyang iyon. May ibang meaning ba 'yon? Hindi ko magawang hindi mapangiti dahil sa kalokohang naiisip niya.

"Basta hotdog at itlog, gustong-gusto 'yan ni Crivo," maligalig na sagot ni papa. "Naalala ko pa noon, umiyak pa siya ng umiyak dahil lang sa may umagaw sa kinakain niyang hotdog."

Papa naman eh! Bakit kinwento pa. Grabe nakakahiya kay Dos, pero ang loko mukhang nag-eenjoy pa ata!

"Oo nga, tapos meron pa. Naalala ko rin noong bata pa si Crivo, babalatan pa niyan 'yung hotdog at 'yun ang unang kakainin niya," nakangiting sabi ni mama.

Inasar naman tuloy ako ni Dos dahil sa mga nalaman niya. Nagawa ko tuloy sipain ang paa niya sa ilalim ng lamesa.

"Ughhhh~"

Gag*?! Tangin*? Bakit siya umungol?

"Ayos ka lang ba iho?" Tanong ni papa sa kaniya.

Gag* anong naisip niya at umungol siya?!

"Okay lang po Tito, nangati lang po ang paa ko," sagot ni Dos kay papa. Kunot-noo ko siyang tiningnan pero patay-malisya lang siya. Kaya sinipa ko ulit ang paa niya.

"Ughhhhhhhh~" Ungol niya ulit at mas mahaba pa!

Nasamid si mama habang umiinom ng tubig samantalang si papa naman ay nanlaki ang mga mata dahil sa ungol na narinig nila. Ang gag* talaga ni Dos tangi*naaaa!

"Pasensya na po, ang kati talaga hehe," pagrason niya sa mga magulang ko. Natameme lang tuloy sila mama at papa at sa tingin ko'y iniisip na nilang weirdo si Dos.

Nang matapos na kaming mananghalian, tinulungan na ako ni Dos na ligpitin ang mga hugasin.

"Siraulo ka, bakit ka umuungol kanina?" Mahinang tanong ko sa kaniya at baka marinig kami nila mama na ngayo'y nagpapahinga at nanonood sa sala.

"Ang sarap ng pagsipa mo eh," sagot niya sa akin sabay pagbasa pa ng laway sa labi niya.

"Siraulo ka talaga," sabi ko sabay pahid ng bula sa pisngi niya.

"Ano naman kung siraulo? Mahal mo naman." Pagsabi niya'y bigla niya akong niyakap sa likod. Tinuloy niya lang ang pagsasabon ng mga pinggan habang nakadikit at nakayakap sa akin.

"Huy, baka makita tayo nila papa," saway ko sa kaniya.

"Hindi 'yan, saglit lang naman. Tumitigas na kasi si junjun ko eh," malokong sagot niya.

Hahampasin ko na sana siya ng plato kaso kiniliti naman niya ako. Napakaloko talaga! Alam naman niyang malakas ang kiliti ko sa tagiliran, natapon tuloy 'yung tubig sa planggana. Basang-basa na ako ngayon.

"F*ck ang hot mong tingnan, wet na wet ka na," nakangising sabi niya.

Ang hirap pala kapag may kasama lang malibog, lilibugan ka talaga! Bumakat tuloy sa short ang tit* ko.

"Ayaw mo talagang tumigil?" Panghahamon ko sa kaniya. Dahil sa pangungulit niya, nagawa ko na siyang halikan.

P*ta tumutugon ang loko! Kumalas na ako at baka kung saan pa kami mapunta. Mahirap na at baka makita pa kami nila papa at mama.

"Ayos na?" Nakingiting saad ko sa kaniya. Muli sana niya akong hahalikan pero pinigilan ko na siya. "Tama na muna 'yon, okay?"

Bumusangot naman ang loko at tila nag-papaamo pa ang mukha niya. Tinapos ko na ang mga hugasin pero nakabusangot pa rin siya.

"Last na, isa pang kiss," paglalambing niya at nakuha pang ngumuso.

Pinagbigyan ko na lang ulit pero umabot pa rin talaga ng kalahating minuto ang halik na ginawa niya. Kung hindi ko ulit napigilan, baka sa kama na kami napunta.

"Oh iho, mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo. Kapag may oras ka, bumisita ka na lang ah?" Pagpapaalam ni mama kay Dos.

"Opo Tita, maraming salamat po pala," sagot naman ni Dos.

"Gusto mo bang ihatid na rin kita?" Tanong naman ni papa sa kaniya.

"Hindi na po Tito, kaya ko na po. Thank you, mauna na po ako," tugon ni Dos at saka nagmano sa mga magulang ko. "Crivo, kitakits na lang sa school." Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot.

Simula noong araw na may nangyari sa amin sa school hanggang ngayon na nakilala na niya pati mga magulang ko, ibang Dos na ang nakilala ko mula noon. Natutuwa ako at ang laki ng pinagbago niya. Hindi niya ako binigo na pangitiin ako araw-araw. Huwag sana dumating ang araw na iwan niya ako, kasi unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya.

Tama lang ba magmahal ng bully? Ang hirap magtiwala sa panahon ngayon. Pero sa nakikita ko naman, mukhang sincere sa akin si Dos. Hahayaan ko na muna ang puso ko na makilala at mahalin siya.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon