CHAPTER 14: The Sweet Blood

1.6K 95 27
                                    

Chapter 14: [The Sweet Blood]

CRIVO

Hindi ako makampante habang nagkaklase, kakaisip sa posibleng mangyari mamaya. Inobserbahan ko pa ang tatlo pero wala naman akong napansing kakaiba. Si Enzo naman ay tulog gaya ng lagi nitong ginagawa.

"Okay class, let's continue our discussion next meeting. That's all for today, good bye," paalam ni Ma'am Mendoza nang matapos ang klase niya.

Napansin ko naman si Enzo na tumayo na at mabilis na lumabas ng classroom. Gano'n rin ang ginawa ng tatlo kaya agad kong inayos ang aking mga gamit at lumabas na rin ng room.

Tinungo ko agad ang likuran ng building namin at nadatnan ko sila Dos at Hiro. Habang si Rence naman ay kinakausap na ngayon si Enzo.

"Crivo? Hindi ka na sana nagpunta rito. Baka mapahamak ka lang," bungad na sambit sa akin ni Hiro.

"Kaya naman siguro patumbahin ni Rence si Enzo, 'di ba?" Natanong ko sa kanilang dalawa habang hindi naalis ang tingin ko kay Rence na hanggang ngayon ay kausap si Enzo.

"Huwag ka mag-alala. Malakas si Rence, hindi siya gano'n kadali mapapatumba ni Enzo," tugon sa akin ni Dos.

Sabagay, hindi lang naman ito ang unang pagkakataong makikita ko si Rence na may kasuntukan. Noon pa man, suki na siya ng guidance dahil sa mga gulo at maraming reklamo. Papasok siya minsan sa klase na puro pasa at band aid ang kaniyang mukha.

Pero bakit hindi pa rin ako mapalagay? Dahil ba kay Enzo? Hindi ko pa gano'n kakilala si Enzo, paano kung mas malakas pala siya kay Rence?

Sa ngayon, magtitiwala na lang muna ako sa kakayahan ni Rence. Alam ko rin namang nakabantay lang ang mga kaibigan niyang sina Dos at Hiro. Kung may mangyari man, hindi siya pababayaan ng mga ito.

Ilang saglit lang at nagsimula na magkasakitan ang dalawa. Nasuntok ni Enzo ang panga ni Rence kaya napadugo niya ang bibig nito. Dumami naman ang mga nanonood, ang iba pa ay nasa loob ng classrooms at nakasilip sa mga bintana.

"Rence!" Sigaw ni Dos na nag-aalala ngayon sa kaniyang kaibigan.

Nagpatuloy lang ang suntukan, panay na rin ang mga sigawan ng mga estudyante. Ang iba pa'y nagtatawanan at pinagpustahan ang dalawa na para bang manok sa sabungan. Walang mga guro o school staff na dumating para awatin ang dalawa dahil mayroon silang meeting.

Ilang suntok na ang naibibigay ni Enzo kay Rence. Suntok sa sikmura. Sipa sa hita, at sapak sa mukha na nagmarka ng pasa sa mata ni Rence.

Pero natulala ako nang biglang tumingin si Rence sa kinatatayuan ko. Nakangiti pa ito at tila ginusto ang mga suntok at bugbog na kaniyang natamo.

May ibig sabihin ba 'yon? Bakit parang masaya pa siya?

Bigla kong naalala ang sinabi niya kaninang lunch. Ito ba ang gusto niyang mangyari mula pa no'ng umpisa?

"Naiintindihan ko. Pero papatunayan ko sayong karapat-dapat mo 'kong patawarin. I'm sorry ulit." 'Yun ang mga linyang sinabi niya sa akin kanina.

Nasisiraan ka na ng ulo Rence.

Natahimik ang lahat nang bumagsak na sa sahig ang katawan ni Rence. Lumapit pa si Enzo sa kaniya at idiniin ang sapatos sa braso nito.

"Hindi na maganda 'to. Ako na ang tatapos sa kaniya," saad ni Hiro at matapang na hinarap si Enzo.

Hindi ako makagalaw habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Rence. Hindi na siya gumagalaw. Hinayaan niya lang talaga si Enzo na bugbugin siya at hindi siya nanlaban para lang patunayan sa akin na nagsisisi siya sa nagawa niya.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon