CHAPTER 17: Fight For Love

1.4K 92 35
                                    

Chapter 17: [Fight For Love]

CRIVO

Tulad ng inaasahan ko, nakalabas na ng hospital si Dos kaya naman nakabalik na siya ulit dito sa Brighton High. Wala naman akong napansing nagbago sa kaniya maliban sa paika-ika niyang paglalakad. Fresh pa rin sa isip ko ang mga pangyayayi kung paano siya isinaksak ni Enzo.

“Teka, ako na bibili. Ano ba mga kakainin ninyo?” Kusang-loob na saad ni Rence. Katatapos lang ng pangalawang klase namin kaya nagpunta na agad kami rito sa canteen.

“Dalawang fried rice with chicken ‘yung sa amin ni Crivo tapos samahan mo na rin ng kahit na anong flavored drink,” sabi naman ni Hiro.

“By the way, si Crivo na ang magbabayad nang sa akin,” dagdag pa ni Hiro na ikinagulat ko. Bigla kong na-realize na nangako nga pala ako sa kaniya na ililibre ko siya kapag nakahanap siya ng lugar kahapon.

“Aba, hashtag relationship goals,” pang-aasar naman sa amin ni Rence.

“Ako? Hindi mo ba ‘ko ililibre?” Singit naman ni Dos na ikinatahimik naming tatlo. Umarte naman siya na parang biglang kumirot ang kaniyang sugat.

“Oo nga Crivo, pagbigyan mo na si Dos. Kalalabas niya lang ng hospital oh,” panggagatong naman ni Rence. “Tapos ako na rin, minsan lang naman ako magpalibre.”

Teka, hindi ako mayaman guys. Pinapaalala ko lang.

Wala na akong magawa kaya tumingin na ako kay Hiro para alamin kung anong masasabi niya, pero umiwas lang ito sa akin ng tingin. No choice na ako, ang tipid ko pa naman tapos mababawasan lang ng gano’n? Arghhhhh.

“Oo na, oo na. Ngayon lang ‘to, pero hindi na kayo makakaulit sa akin,” sagot ko naman na ikinaseryoso nila bigla. Hulin a nang ma-realize kong may double meaning pala ‘yung huli kong sinabi sa kanila.

Tuwang-tuwa naman si Rence nang iabot ko sa kaniya ang pera, samantalang ako ay nagdadalawang-isip pa kung ibibigay ko talaga sa kaniya. Paano pala ako nito mamayang uwian? Pot*nginaaaa wala na palang akong pamasahe!

“Kumusta ‘yang sugat mo p’re? Masakit pa rin ba?” Tanong ni Hiro kay Dos nang makaalis na si Rence.

“Mas masakit ‘yung malaman mong may mahal na siyang iba,” sagot naman dito ni Dos. Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya, seryoso pa talaga ang reaksiyon niya.

“Nawala ka lang ng dalawang araw, humuhugot ka na ah,” pigil sa pagtawa na sabi ni Hiro kay Dos.

“Magaling talaga ako sa hugutan, lalo na kapag masikip,” sagot naman sa kaniya ni Dos. Inisip ko pa ng mga ilang segundo ‘yung sinabi niya bago ko na-realize ang ibig sabihin. Ang witty talaga nitong si Dos, sarap kurutin ang sugat!

“Iba ka p’re, pinapabilib mo ‘ko ngayon ah,” tugon naman ni Hiro. “Mabalik tayo sa una ‘kong tanong, kumusta ‘yang sugat mo? Hindi biro ‘yung nangyari sayo.”

Hindi talaga biro. Akala ko sa mga movies lang ako makakakita ng saksakan, pero sa mismong harapan ko pa talaga natunghayan kung paano sinaksak ni Enzo si Dos. Sa palagay ko kanina pa ‘yun nasasamid sa mga oras na 'to.

“No need to worry, malayo naman ‘to sa bituka eh. I can handle it,” sabi ni Dos na sa akin lang nakatingin. Itinaas niya pa ang kaniyang hita sa upuan para ipakita na ayos lang talaga siya.

“Kahit hawakan niyo pa,” dagdag pa niya. Para bang inuutusan ako ng kaniyang mga mata na hawakan ko ang kaniyang sugat.

Sinubukan ko na lang din hawakan ito pero ipinagtaka ko kung bakit napadila pa siya ng kaniyang labi. Napadiin tuloy ang paghawak ko sa kaniyang hita kaya naman napaungol siya ng malakas.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon