CHAPTER 15: See You Soon

1.2K 90 46
                                    

Chapter 15: [See You Soon]

CRIVO

"Anong ginawa mo sa kuya ko?!" Nanginginig na tanong sa akin ni Kia. Namanhid na ang buo kong katawan nang dahil sa mabilis na pangyayari. Nasisilayan ko pa kung paano magsilabasan ang maraming dugo sa tiyan ni Enzo.

E-Enz-zo.

"Crivo, tumakbo ka naaa!" Rinig ko naman na sigaw sa akin ni Dos na ngayo'y iniinda pa rin ang sugat sa hita niya.

Ilang saglit pa at nasilayan ko ang pagbabago sa reaksyon ni Kia. Hawak-hawak pa nito ang maliit na kutsilyong binitawan ko kanina. Ngumisi pa siya sa akin bago muling nagsalita.

"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa Kuya Enzo ko. Papatayin kita!" Gigil na gigil siyang sumugod sa akin at ibinaon ang kutsilyong hawak niya direkta sa dibdib ko.

"CRIVOOOOO!"

Unti-unti akong nanghina at nakarinig ng mga kakaibang tinig. Para namang nag-iba ang ayos ng nasa paligid ko. May taong dumungaw sa aking harapan at hindi ko malinawan kung sino.

"Gising na siya," sambit ng isang pamilyar na boses. Unti-unti kong naaninagan kung sino siya.

"H-Hiro," banggit ko sa kaniyang pangalan. Hinaplos ko pa ang dibdib ko para makapa kung nagtamo ba talaga ako ng saksak galing kay Kia. Pero laking gulat ko na wala man lang akong maramdaman na hapdi o nakitang sugat sa parte ng dibdib ko.

"Dalawang oras na mula nang  mawalan ka ng malay. Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Hiro. Napansin ko naman sa kabilang higaan si Rence na mukhang nagpapahinga rin. Naalala ko kung gaano kagrabe ang mga bugbog na natamo niya galing kay Enzo.

"Nasaan ako?" Tanong ko kay Hiro. Inalalayan niya pa ako nang sinubukan kong bumangon para makaupo ng maayos sa kama.

"Nasa Nurse Room tayo," tugon naman niya sa akin at inabutan pa ako ng isang basong tubig. "After no'ng mangyari, dinala agad tayo rito. Isinugod naman si Dos at Enzo sa hospital."

"Si Dos? Kumusta siya?" Muli kong tanong sa kaniya. "Ikaw? Kumusta ka?"

Napatingin naman ako kay Rence na puno ng pasa sa mukha. Nanlulumo ako sa sinapit nilang magkakaibigan, pakiramdam ko na ako ang nagsimula ng kaguluhan kanina rito sa Brighton High.

"Huwag ka na mag-alala. Gising si Rence kanina, at pinapasabi niya sayo na huwag mo raw sisihin ang sarili mo." Hinaplos pa ni Hiro ang likod ko bago ipinagpatuloy ang kaniyang sinasabi. "Crivo, kung anomang nangyari kanina, hindi mo 'yun ginusto. Kasalan ni Enzo kung bakit siya nasaksak, kaya huwag mo na sisihin ang sarili mo sa nangyari."

"P-Pero napahamak kay—"

"'Yung nangyari kanina? Wala kang kasalanan do'n. Si Enzo ang nagsimula ng lahat ng 'to." Pagputol niya sa sinasabi ko.

Mayamaya pa at may nagbukas na ng pintuan. Pumasok ang mga naka-unipormeng pulis kasama si Sir Felipe at ang aming principal.

"Mr. Gonzalez? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Bungad na tanong sa akin ng isang pulis.

"T-Teka bakit may pulis na rito?" Nabiglang reaksyon ni Hiro. Tumaas na rin ang kaba ko at takot na baka malaman ng mga magulang ko ang krimen na nagawa ko.

"This is a serious matter, itutuloy ng pamilyang Alcantara ang kaso laban kay Mr. Gonzalez dahil sa nangyaring saksakan kanina. Pero sa ngayon, gusto ka muna makausap ni Enzo sa hospital kung nasaan siya ngayon. Kami na ang maghahatid sayo papunta roon," paliwanag naman ng isa pang pulis.

"Anong sinaksak?" Inis na sagot ni Hiro sa kanila. "Si Enzo ang may dahilan kung bakit siya nasaksak, lumapit siya kay Crivo at siya mismo ang bumaon ng kutsilyo sa tiyan niya."

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon