CHAPTER 21: This Connection We Have

1.1K 75 17
                                    

Chapter 21: [This Connection We Have]

CRIVO

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Hiro. Gusto ko siyang makausap pero sa tuwing susubukan kong lumapit, may pumipigil sa akin na para bang hindi pa 'yon ang tamang pagkakataon para lumapit ako sa kaniya. Nakakalungkot lang isipin na sa isang iglap, bigla na lang magbabago ang lahat. Hindi ko maiwasan na sisihin din ang sarili ko nang dahil sa nangyari.

"Wala pa rin ba kayong pakiramdaman sa isa't isa?" Tanong sa akin ni Rence habang kumukuha ng soju sa loob ng chiller. Alam kong si Hiro ang tinutukoy niya.

"Wala pa rin hanggang ngayon," tugon ko naman sa kaniya.

Narito kami ngayon sa isang mini store malapit sa labas ng Brighton High. Naisipan naming bumili ng ramen at soju dahil sa kanila na muna ako tutuloy ngayong gabi. Recently ko lang nalaman na mahilig din pala itong si Rence sa mga thriller movies. 'Yun ang naging dahilan kung bakit kami nagkasundo sa isa't isa. At ngayong gabi, pumayag na rin ako nang yayain niya akong manood ng movie sa condo niya.

"Hanggang kailan niyo pa patatagalin?" Tanong pa ulit sa akin ni Rence.

"Pero sabagay, kahit nga kaming dalawa eh, hindi pa rin nag-uusap," dagdag niya pa.

This is the second time na makakapunta ako sa condo nila Rence. Nabanggit niya sa akin noong mga nakaraang araw na siya na lang mag-isa sa condo nila. Hindi ko ma-imagine na mag-isa lang siya roon sa tuwing uuwi siya galing eskwela. Recently ko lang nalaman na bumalik abroad ang kaniyang ina samantalang ang kaniyang ama naman ay may ibang pamilya na kaya siya at ang nanay niya na lang ang nagtutulungan para makapagtapos siya ng pag-aaral. Aakalain mo lang talaga na mayaman sila dahil may sarili siyang condo pero hindi alam ng karamihan na naghihirap na sila. Hindi ko rin inasahan na kumplikado na pala ang sitwasyon ng family nila. Sinabi niya pa sa akin na hindi niya ito na-open kila Dos at Hiro, ako pa lang daw ang unang nakakaalam.

Pagkatapos naming mamili, dumiretso na kami sa condo niya. Pinarada na niya ang motor niya sa parking lot bago kami pumasok ng building. Wala naman akong napansing bago, ganoon pa rin naman gaya kung paano kami sabay nagpunta ni Hiro noong birthday niya.

"Pasensiya ka na sa unit ko, mag-isa na lang talaga ako kaya hindi ko na naisipang pagandahin ang loob," saad sa akin ni Rence.

"Tuloy ka," pagpapatuloy niya sa akin sa loob.

Naghubad na rin ako ng sapatos bago ako tuluyang pumasok. Namangha ako sa sobrang linis at pagka-organisado ng mga gamit sa loob ng bahay nila. Mahihiyang pumasok ang alikabok na magpunta rito.

"Woah, hindi ko alam na maayos ka pala sa gamit," saad ko kay Rence. Pero bigla ko ring na-realize na malinis din noong unang punta ko rito.

"Malinis lang talaga ako, hindi ko matiis kapag makalat dito sa loob. By the way, kumuha ka na lang ng maiinom sa ref ah, pero kung gusto mo, lantakan mo na 'yang soju," nakangiting sabi naman niya.

"Siraulo, mamaya na natin inumin 'yon kapag nanood na tayo ng movie," sagot ko naman sa kaniya.

Pumasok na siya sa kwarto niya para magbihis. Naiwan naman ako sa sala at inusisa ko lamang ang mga picture na nakita kong nakasabit sa kanilang pader. Napangiti ako nang mapansin ko ang isang litarto ni Rence noong siya'y bata pa, masasabi mo talagang maangas na ang pormahan niya kahit maliit pa siya.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan ah? Pinagtatawanan mo ba picture ko no'ng bata pa ako?" Tanong niya nang makalabas siya ng kaniyang kwarto.

"Angas ng dating mo dito. Halatang mananapok na eh," sabi ko sa kaniya at hindi na napigilang matawa.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon