SPECIAL CHAPTER 02: Friend Turn Into Enemy

1.2K 80 33
                                    

Special Chapter 02: [Friend Turn Into Enemy]

HIRO

"Eh tarant*ndo ka pala eh!" Sinuntok ko na siya ng malakas sa mukha na naging dahilan ng kaniyang pagkatumba sa sahig.

"Alam mo bang pinagalitan pa ako ni Ma'am Mendoza dahil sa pa-walk out na ginawa mo? Ang drama mong bakla ka!" Dagdag ko pa sa kaniya. Nag-init talaga ang ulo ko nang dahil sa eksenang ginawa niya kanina.

Pero natalo ang galit ko sa kaniyang naging reaksyon. May kung anong bumasag sa isip ko sa sunod niyang ginawa. Gumanti siya sa akin ng mga malalakas na suntok. Hindi na ba siya si Crivo? 'Yung Crivo na dati ay mahina?

"HINDI MO ALAM PINAGDADAANAN KOO!" Malakas na sigaw niya sa akin at muli na naman akong pinagsusuntok sa mukha. Napatigil na lang siya nang mapansin niyang dumudugo na ang labi ko.

Tahimik lamang siyang pumunta sa sulok at inalala ang mga mabilis na pangyayari. Napagtanto niya na magagawa niya pala akong suntukin sa mga sandaling iyon.

"Pwede ba kasi? Tigilan niyo na lang ako!" Pakiusap niya sa akin. Puno ng galit pero nakikita ko sa mga mata niya na balot ito ng takot. Matapos niyang bitawan ang mga salitang 'yon, iniwan na niya akong mag-isa sa loob ng classroom

Hindi ko alam na sumosobra na pala ako sa pambu-bully ko sa kaniya. Ang noon na katuwaan lang, malaking kalungkutan na pala ang balik nito sa kaniya.

I hate myself for doing that kind of stuff. Maybe I should apologize to him.

~~~

Bago pa man ako pumasok ng school ay inutusan ko na si Mang Jeffrey, driver namin, na bumili ng snacks. Naisipan ko na bigyan si Crivo ng peace offering, alam kong hindi niya kaagad ako mapapatawad sa nagawa ko kahapon. Pero sana makatulong pa rin ang gagawin ko kahit papaano.

Pasimple ko siyang tinitingnan pagkaupo niya sa kaniyang upuan. Mukhang nabasa niya na ang isinulat ko sa isang maliit na papel. Ano kayang magiging reaksyon niya?

Sh*t!

Hindi ko alam na mapapalingon siya sa akin! Buti napaiwas agad ako ng tingin. Nahuli niya kaya ako? Huwag naman sana.

Teka. Bakit parang ang lakas ata ng kabog ng dibdib ko? Hindi kaya...

~~~

Kinabukasan, pagpasok na pagpasok ko palang ng room ay bumungad sa akin ang panggugulo ni Rence kay Crivo kaya sumingit na ako.

"Sorry kung ginugulo ka ni Rence," paghingi ko ng tawad sa pang-iistorbo sa kaniya ni Rence. Kunot-noo niya lang akong tiningnan at mukhang nanibago sa pagtrato ko sa kaniya.

Hindi ko maintindihan. Bakit ganito ang nararamdam ko? Kapag mapapatingin ako sa mata ni Crivo, may something na hindi ko maipaliwanag.

"Ay oo nga pala, anong balak mo sa project na gagawin natin?" Natanong ko na lang din para maalis kung anoman itong bumabagabag sa isip ko. Napaupo na lang din ako sa bakanteng upuan na nasa kaniyang gilid.

"Project?" Balik-tanong niya sa akin. Limot na ba niya  agad na kami ang partner para sa Math project?

"Nakalimutan mo na? Sa Math, kay Ma'am Mendoza," pagpapaalala ko pa sa kaniya.

Bahagya naman siyang napatawa. Tingin ko'y naalala na nga niya ang mga nangyari kahapon.

"Nakalimutan kong partner pala kita. Ikaw ba? May plano ka?" Inilabas niya pa ang kaniyang cellphone at may kung anong itinipa rito.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon