CHAPTER 20: I Love You But

1K 76 30
                                    

Chapter 20: [I Love You But]

CRIVO

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga taong nakapaligid sa amin nang biglang lumuhod sa aking harapan si Hiro. Si Hiro na kanina lamang ay nag-aapoy sa galit pero ngayo’y tila naging maamo na ang mukha habang iniaabot sa akin ang bulaklak na nasa kaniyang likuran. Tila nasa isang eksena na sinabayan pa ng mga magagandang kulay ng fireworks sa himpapawid.

“Can you be my boyfriend?” Tanong sa akin ni Hiro habang nanatiling nakaluhod at iniaabot ang bulaklak na kaniyang hawak.

Napatingin muli ako sa maraming bisita na nakapaligid sa akin. Ang iba’y tila hindi makapaniwala sa kanilang natutunghayan at ang iba naman ay tila hindi nagugustuhan ang kanilang nasasaksihan.

“Hiro…” tanging salita na nailabas ng bibig ko. Hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin, para akong na-pressure dahil sa dami nang taong nakapaligid.

“Will you be my partner in life, Crivo?” Muling tanong sa akin ni Hiro. Pero nanatili akong estatwa na animo’y hindi makagalaw at makasagot sa nag-iisang katanungan niya.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na may humawak sa aking kamay. Mahigpit na hinawakan ni Dos ang aking kamay at buong tapang na sinagot si Hiro.

“Can’t you see na nape-pressure ‘yung tao?” Bigkas ni Dos sa kaniyang kaibigan na si Hiro at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkapit sa akin.

“Let’s go, Crivo,” saad sa akin ni Dos at naglakad kami paalis sa aming pwesto. Tila hindi naman inaasahan ng mga nanonood ang kanilang natunghayan.

“Teka lang…s-si Rence,” sabi ko kay Dos at saka ako napabitiw sa pagkakahawak niya.

“Wait. Saan ka pupunta?” Pagtawag pa sa akin ni Dos pero sinundan na lang din niya ako kung saan ako patungo.

Pagdating ko sa CR, nadatnan ko si Rence na mag-isa sa sulok. Nahalata kong tumatangis siya habang papalapit ako sa kaniya.

“Crivo?” Banggit ni Rence nang makalapit ako sa kaniya. “Bakit ka nandito? Ano nangyari sa inyo ni Hiro?

“Mamaya ko na lang sasabihin,” tugon ko sa kaniya. “Ang unahin muna natin ay ‘yang sugat mo. Kailangan natin ‘yang ipa-check sa hospital at baka nagkaroon ng impeksyon.”

Nanlulumo ako sa hirap na sinapit ni Rence kay Hiro kanina. Putok ang labi at maga na ang kaliwang mata ni Rence kaya kailangan talaga siyang dalhin sa hospital. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ‘yung galit ni Hiro sa kaniya, pero kung anomang dahilan, sobra pa sa sobra itong ginawa sa kaniya ni Hiro. Nabigla ako sa ikinilos ni Hiro kanina lalo na at nakita lang naman niyang magkasama kami ni Rence sa CR.

Paano pa kung naabutan niyang hinalikan ako ni Rence? Baka mas lalong nandilim ang paningin niya.

Ngayon ko naintindihan kung bakit parang nagpapaalam sa akin si Rence kanina. Tingin ko’y alam niyang may planong proposal sa akin si Hiro kaya siya sa akin humiling ng isang halik. But I think, may mas malalim pang dahilan at naniniwala pa rin ako kahit papaano na hindi magiging gano’n kabayolente si Hiro ng basta-basta. ‘Yun ang bagay na dapat ko pang alamin sa pagitan nilang dalawa.

“Anong nangyari rito? Bakit bugbog ‘yang mukha mo?” Tanong ni Dos kay Rence pagkakita niya sa aming dalawa sa loob ng CR.

“Sinuntok siya ni Hiro kanina. Kailangan na muna natin siyang dalhin sa hospital,” ako na ang sumagot kay Dos.

“I know how to drive, ako na maghahatid sa kaniya,” mabilis na saad ni Dos.

“Anong kotse gagamitin mo?” Tanong ko naman. Dahil sa pagkakaalam ko, isinabay lang siya ng service nila Hiro.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon