CHAPTER 23: He's Back, Enzo Is Back

1K 69 27
                                    

Chapter 23: [He's Back, Enzo Is Back]

CRIVO

"Kuya Kaloy, baka naman pwede niyo na ako papasukin. Late na ako sa unang klase ko eh," paghingi ko ng pabor kay Kuya Kaloy, ang nagbabantay sa gate ng Brighton High.

"Hindi pa pwede, maghintay ka pa ng one hour bago ka makapasok," tugon naman sa akin na ikinabusangot ng mukha ko.

"Bilis na Kuya Kaloy, parang hindi tropa ah?" Paglalambing ko pa sa kaniya. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga close si Kuya Kaloy. Ngayon ko lang siya nakausap pero umaasa pa ring akong madadala siya sa mga paawa-effect na ginagawa ko.

"Kung pumasok ka lang sana nang maaga, hindi ka sana male-late ngayong araw," panenermon niya pa sa akin. Pero hindi ako sumuko, nilabas ko na ang huling kong baraha.

"Sige na Kuya Kaloy, ililibre kita ng kwek-kwek mamayang uwian kapag pinapasok mo na ako," sabi ko sa kaniya na mabilis niyang ikinatuwa.

"Kwek-kwek?" Pag-ulit niya pa sa aking alok.

"Oo Kuya Kaloy, kahit ilang kwek-kwek pa gusto mo," pagkumbinsi ko sa kaniya.

"Oh sige, tatandaan ko 'yan. Mamayang uwian ah? Anong grade ka na ba?" Tanong niya sa akin. Laking tuwa ko naman nang magpauto siya.

"Grade 12, Class-B," masigasig na tugon ko nang papasukin na niya ako sa gate. "Salamat Kuya, hulog ka talaga ng langit."

"Huwag ka naman sana maagang kunin ng langit," bulong ko pa nang ako'y makalayo na sa kaniya.

Huli ko na na-realize, 15 minutes na lang pala ang natitirang oras ng first class namin. Kung nagising lang sana ako sa alarm, hindi sana ako male-late ng pasok ngayong araw. Nabigla tuloy ang katawan ko sa pagligo kanina, medyo hindi tuloy maganda ang pakiramdam ko.

Sinulit ko na lang ang natitirang 15 minutes kaya nagpunta na lang ako sa canteen para kumain ng almusal. Sa sobrang pagmamadali ko kanina sa bahay, hindi ko na nagawang mag-agahan. Kahit baonan na tubig wala akong nabitbit.

"Isang rice nga po," sabi ko kay Ate Linda. Habang tumatagal nagiging glooming ang itsura niya. Siya lang naman ang nag-iisang tagabantay sa canteen ng Brighton High. Hindi ko lang talaga napigilan kaya pati 'yon ay napansin ko pa.

"Tapos po isang fried egg at dalawang hotdog," dagdag ko pa kay Ate Linda. Syempre hindi pwedeng mawala ang paborito kong hotdog.

Naghanap na ako nang pwesto nang makabayad na ako. Sakto, dahil wala pa masyadong tao sa canteen, bakante ang laging inuupuan namin nila Dos, Hiro, pati ni Rence, kaya doon na lang ako naupo.

Kumusta kaya 'yung tatlo? Akala siguro nila absent ako. Lalo na si Rence, baka nag-aalala na 'yun. Hindi ko na siya na-message dahil dead battery na ang phone ko. Nakakainis talaga na nakalimutan kong i-charge bago ako natulog.

Nakadalawang subo pa lang ako nang biglang may lumapit sa aking pwesto. Lilingunin ko na sana kaso nabigla na lang ako nang baliktarin niya ang pinagkakainan kong plato. Tumapon tuloy ang pagkain sa uniporme kong suot.

"Sh*t!" Bulalas ko at agad na napatayo para pagpagan ang pagkaing natapon sa akin.

Inis na inis akong nilingon ang may kagagawan sa nangyari. Pero nagbago ang reaksyon ko nang malaman kung sino ito.

"Na-miss mo ba ako?" Tanong niya na may nakakalokong ngisi. May kasama pa siyang dalawang lalaki na aakalain mong mga alagad niya.

"Enzo," sambit ko sa kaniyang pangalan. Hindi ako makapaniwalang nagbabalik siya sa Brighton High. Mukhang naka-recover na siya sa insidenteng nangyari mahigit tatlong weeks na ang nakalilipas.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon