CHAPTER 05: Don't Let Me Go

2.2K 102 4
                                    

Chapter 05: [Don't Let Me Go]

CRIVO

Dumiretso na agad akong canteen nang matapos ang ikalawa naming klase. Hindi rin kasi ako nakapag-agahan ng maayos dahil na-late ako ng gising. Isang piraso ng pandesal na pinalamanan ng keso lang ang kinain ko.

"Magkano po rito?" Tanong ko kay Ate Linda, ang nagbabantay at nagtitinda sa canteen ng Brighton High.

"Twenty pesos lang," sagot naman sa akin nito. Sinamahan ko na rin ng lemon juice na nagkakahalaga ng fifteen pesos.

Maghahanap pa lang sana ako ng bakanteng upuan nang mapansin kong sumesenyas sa akin si Hiro. Pinapapunta niya ako sa lagi nilang pinagpupwestuhan. Nagdalawang-isip pa ako dahil nang makita ko na kasama niya sila Dos at Rence. Pero tumuloy na lang din ako dahil nakakahiya kay Hiro, ayaw ko namang isipin niya na iniiwasan ko siya dahil sa nangyari sa amin kahapon.

"Kumusta tropa?" Maangas na bati sa akin ni Rence nang makalapit ako sa kanila. Pero hindi ko siya sinagot.

Duh? Bakit niya naman ako kukumustahin eh hindi naman kami close? At saka tropa? Malaking eww sa kaniya!

"Maupo ka muna," pag-alok sa akin ni Hiro ng upuan na nasa tabi niya.

Tiningnan ko naman si Dos na nasa harapan ko. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin sa hindi ko malaman na dahilan. Pero wala na sa akin 'yon ngayon. Kung ayaw niya akong pansinin, dapat lang na mawalan na rin ako ng pake sa kaniya.

"Kumusta tulog mo?" Tanong sa akin ni Hiro na umakbay pa sa balikat ko.

"Panigurado masarap tulog niyan, halatang good mood na naman oh," epal na singit ni Rence. Palibahasa mukhang singit.

Sa kanilang tatlo, siya talaga 'yung pinaka-bully. Siya ata naging pasimuno kaya naging bully sila Dos at Hiro eh. Sarap niyang upakan.

Arghhh, ang aga pa pero sinisira na niya agad ang mood ko!

"Mahimbing 'yung tulog ko, tanghali na nga akong nagising eh," nakangiting sagot ko kay Hiro.

"Parehas pala tayo," saad naman ni Hiro sabay subo sa kinakain niyang burger.

"Hoy Crivo, baka nakalimutan mo? Hindi ko nagugustuhan 'yung pananagot mo sa akin kahapon." Pinanlilisik pa ni Rence ang mga mata niya sa akin na tila ba akala niya'y masisindak ako sa kaniya.

"Guys, oo nga pala," muling salita ni Hiro. "Simula ngayon huwag na nating ibu-bully si Crivo."

Napalingon naman ako sa sinabi niya, pati na rin sina Rence at Dos. Hindi ko akalain na sasabihin niya sa dalawang kaibigan niya ang bagay na 'yon.

Kinilig naman ako Big Hiro! Ikaw na ba ang tagapagtanggol ng buhay ko?

"Huh? Ayaw ko!" Hindi pagsang-ayon ni Rence. Samantalang si Dos naman ay tahimik lang na nakatitig kay Hiro.

"Magiging partner ko siya sa project. Kaya dapat lang na maging mabait tayo sa kaniya." Tumingin pa sa akin si Hiro at bahagyang ginulo ang buhok ko. Hindi ko naman maiwasang kiligin dahil sa mga sinabi niya. Pero mabilis ding nawala nang mapansin kong seryosong nakatingin sa amin si Dos.

"Dapat siya na lang pagawain mo ng project niyo," pangongontra pa rin ni Rence pero agad ding binawi ang sinabi. "Sige na nga, payag na ako. Basta tulungan niyo rin kami sa project namin ni Dos."

Sumang-ayon na lang rin kami ni Hiro para wala na siyang masabi pa. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa lider nilang si Dos na kanina pa tahimik mula nang dumating ako.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon