CHAPTER 25: The Person Behind It

929 69 11
                                    

Chapter 25: [The Person Behind It]

CRIVO

May kung anong lubid ang pumipigil sa aking galawin ang dalawa kong braso. Idagdag pa ang piring na nasa aking mata, dahilan para hindi ko malaman kung saan ako dinala ng kung sinomang nasa likod ng pagdukot sa akin.

Si Hiro. Siya lang ang naiisip kong nagpapunta sa akin kanina sa classroom.

"Hi Crivo, na-miss mo ba ako?" Tanong sa akin ng isang kilalang boses na kapapasok lamang ng pintuan.

"Tanggalin niyo na ang piring niya," utos pa nito sa dalawang lalaki na kumausap sa akin kanina.

Hindi ako pwedeng magkamali kung kaninong tinig 'yon.

Pero bakit? Bakit niya ako pinadukot?

"Enzo?" Bulalas ko nang tuluyan kong makita ang mukha ng lalaking nasa aking harapan.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" Nakangiting tanong niya pa sa akin.

Napansin ko kung saang lugar nila ako dinala. Nandito kami sa banyo ng isang building kung saan malimit lang gamitin dahil malapit na itong i-renovate. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano nila ako nadala rito? At saka ang pagkakaalam ko, kasama ko lang si Enzo kanina. Kaya papaano nila nagawa ang pinaplano nila nang hindi ko man lang napapansin?

"Anong binabalak mo? Bakit mo 'ko pinadukot?" Tinitigan ko si Enzo ng masama habang itinatanong sa kaniya ang mga katanungang iyon.

"Bakit nga ba?" Balik-tanong niya sa akin.

Kababalik niya lang noong nakaraang araw pero heto na naman siya at nagsisimula na naman ng gulo. Minsan talaga gusto ko siya sabihan na nasisiraan na siya ng ulo. Wala naman siyang mapapala kung guguluhin niya kami, lalo na sa akin.

Lumapit siya sa kinauupuan ko at bahagyang inayos ang suot kong damit. Maikli lang ang agawat ng mukha niya sa mukha ko kaya naman naririnig ko pati ang paghinga niya.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit baliw na baliw sila sayo," mahinang bulong niya bago siya humakbang papalayo.

Baliw na baliw?

Sina Dos, Hiro, at Rence ba ang tinutukoy niya? Hanggang ngayon ayaw niya pa rin tantanan ang tatlo. Kinulang ba siya ng atensyon habang pinapalaki siya ng mga magulang niya?

"Wala kayong mapapala sa akin. Kaya pakawalan niyo na ako!" Mataas na sabi ko sa kanilang tatlo. Pero nagawa lang nila akong pagtawanan.

"Actually, meron," saad ni Enzo. "Marami kaming mapapala sayo."

Iniisip ko kung anong bagay ba ang tinutukoy niya. Isa lang ang pumapasok sa isip ko, siguro balak niya akong ipain laban kina Dos, Hiro, at Rence. Pero kailangan talagang umabot pa sa ganito ang kasamaan niya?

Mayamaya lang ay naglabas ng duct tape ang isa sa alagad ni Enzo. Nilagyan nito ang bibig ko kaya hindi ko na nagawang makapagsalita. Pero mas lalong lumakas ang kutob ko ng maglabas ng phone si Enzo at tila binabalak na i-video ang mga nangyayari. Nilagay niya lamang ang phone niya sa bandang gilid na pader.

Tama nga siguro ang hula ko. Gagawin niya akong pain para i-corner sila Hiro at gawin niya kung anoman ang susunod niyang plano. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit video pa ang ginawa niya? Pwede namang video call para mas mapaniwala niya sina Hiro at kung kumagat ito sa pain niya.

Pero kung anoman talaga ang binabalak niya, sana hindi siya magtagumpay.

"Ready ka na?" Tanong sa akin ni Enzo. Mukhang balak na niya simulan ang plano niya.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon