CHAPTER 27: We Want Our Friends Back!

904 70 13
                                    

Chapter 27: [We Want Our Friends Back!]

CRIVO

"Do you have any idea why this is happening?" Tanong sa akin ni Dos na ngayo'y nakasandal na ang likod sa pader.

Narito kaming dalawa at naghihintay sa labas ng Guidance Office. Buti na lang talaga at mabilis na naagapan ang gulo kanina. Wala sa aming nakakaalam kung bakit ganoon na lang ang ikinilos ni Rence. Hindi malinaw sa akin kung bakit si Hiro ang sinugod niya imbis na si Enzo. Pero may kutob ako na baka isa na naman ito sa plano ni Enzo, na bigyan ng lamat ang pagkakaibigan nina Rence at Hiro.

"Hindi ko rin alam...kung bakit..." mabagal na sagot ko kay Dos, "...bakit bigla na lang siya nagkagano'n."

"Walang mangyayari kung hindi mo sa akin sasabihin Crivo. Alam kong may something na nangyayari sa inyo Hiro, tama ba?" Muling tanong sa akin ni Dos. Pakiramdam ko mas lumalaki ang pagdududa niya sa akin na may something ako na hindi sinasabi sa kanila.

"W-Wala talaga akong alam sa nangyayari," pagtanggi ko sa kaniya.

"Pinuntahan ni Rence kahapon si Enzo," biglang saad ni Dos na kumuha sa aking atensyon. "Hindi ko alam ano ang buong detalye pero as far as I know, tungkol kay Hiro ang gusto niyang malaman."

"Tungkol kay Hiro? Bakit niya naman tatanungin si Enzo?" Hindi na ako mapakaling malaman kung ano ang pinag-usapan nina Rence at Enzo. Ikinatatakot ko na baka alam na ni Rence ang tungkol sa video.

"Totoo bang si Hiro ang dumukot sayo?" Mas lalong naging seryoso si Dos sa tanong niya.

Hindi ko na siya nasagot nang biglang bumukas ang pintuan ng Guidance Office. Lumabas ang dalawang guro at panghuli sa lumabas sina Rence at Hiro.

"Okay na kayong dalawa?" Tanong ni Dos sa dalawa niyang kaibigan.

Hindi sumagot ang mga ito hanggang sa magkahiwalay na ng daan ang dalawa. Bakas ang inis sa mukha ni Rence samantalang tahimik namang naglakad papalayo si Hiro. Si Dos na ang humabol kay Hiro kaya si Rence naman ang nilapitan ko.

"Okay ka lang?" Pag-aalalang tanong ko kay Rence. "Ano nangyari sa loob?"

Hindi naalis ang inis sa mukha ni Rence nang sagutin niya ako. "Ipapatawag ang parents naming dalawa."

"Ibig sabihin hindi kayo nagkaayos? Bakit mo ba siya biglang sinugod?" Muling tanong ko sa kaniya kaya naman napatigil na siya sa paglalakad.

"Tingin mo bakit, Crivo? Bakit kaya hindi mo tanungin 'yung sarili mo kung bakit bigla ko na lang sinugod si Hiro?" Mas lalo lang nainis sa akin si Rence. Base sa mga tinanong niya sa akin ngayon, mukhang may alam na nga siya sa nangyari.

"Alam mo na?" Paninigurado kong tanong sa kaniya.

"Kung hindi ko pa kinausap si Enzo, baka hindi ko pa nalaman. Gano'n mo ba kamahal si Hiro kaya pinagtatanggol mo siya sa pagdukot niya sayo?" Matigas na sagot sa akin ni Rence. Muntikan niya pa masuntok ang pader dahil sa sobrang galit niya.

"Kumalma ka muna." Napansing kong lumalalim na ang kaniyang mga hinga kaya pinaupo ko muna siya sa gilid. Nagsalita na lang ulit siya nang makahinga na siya ng maayos.

"Ang suwerte ni Hiro," saad niya na ikinatigil ko. "Ang laki ng kasalanan niya sayo pero pinili mo pa ring ipagtanggol siya. Minsan iniisip ko, kung mas nauna lang ba ako kay Hiro ako ba ang mas mahahalin mo?"

Hindi na ako makapagsalita nang mapansing umiiyak na siya. Ito ang unang beses na makita ko siyang umiiyak, hindi ko matanggap na ako pa ang dahilan ng pagtulo ng mga luhang 'yon. Nasasaktan akong ikinukumpara niya ang sarili niya kay Hiro. Sa selos pa rin nag-ugat ang problema sa pagitan nilang dalawa.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon