CHAPTER 30: I'm In Hell

885 61 18
                                    

Chapter 30: [I'm In Hell]

CRIVO

Alam niyo ba ang dahilan kung bakit nahiligan ko manood ng mga thriller movies? 'Yun ay dahil nakapagbibigay ito ng feelings of suspence, tipong mapapasigaw ka sa isip mo dahil sa kaba. I want that feeling, hinahanap-hanap ko ang gano'ng eksena sa isang palabas.

But what if...

Lalo na kapag may pasabog na plot twist ang story, magugulat ka na lang sa dulo na kung sino pa ang inosente, siya pa pala ang mastermind. Tricky, right? Iniisip ko na lang tuloy minsan kung ano bang nasa isip ng mga nasa likod ng kwento, like mga directors and writers. Bakit ang taba ng mga utak nila?

No, imposibleng mangyari.

Bata pa lang ako, hiniling ko rin na sana mangyari sa akin 'yung mga gano'ng scenes. Na ako sana 'yung bida. Hindi 'yung mabait na bida, gusto ko 'yung isang role. Yeah, it's weird but I want to be a villain. I want to be a mastermind.

Pero ibang role ang ibinigay sa akin.

Sa kwentong ito, natupad ang hiling ko na ako ang maging bida. But the problem is, I'm not the villain. I'm not the mastermind. Kabaliktaran sa gusto kong mangyari. I'm weak, I guess. Nasa isip ko lang lagi ang mga gusto kong mangyari, pero wala akong lakas para labanan ang kaaway. I also have a thought na super unfair ng author ng buhay ko. Am I talking to myself? Lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko.

Walang tigil sa pagyugyog ang ulo ko hanggang sa unti-unti na akong nagkaroon ng malay. Sinikap kong buksan ng maayos ang dalawa kong mata para alamin kung nasaan ako ngayon. Masakit pa rin ang ulo ko pero nagawa ko pa ring maalala kahit papaano ang mga nangyari kanina. Nakatayo ako kanina sa labas ng unit nila Rence, hindi ako makapaniwala na makikita ko ng mga oras na 'yon si Enzo. May tumakip sa ilong ko at unti-unti na akong nahilo.

Teka, nasa kotse ba ako?

Tama nga, nasa back seat ako. Kaya pala kanina pa yumuyugyog ang aking ulo. Hilong-hilo pa rin ako.

"Boss, gising na 'to," rinig kong sabi ng isang boses ng lalaki.

Hindi ko maaninag ang mukha nito. Nakaupo siya sa front seat at napansin kong parang nakangiti sa akin. Gusto kong itanong kung ihahatid na ba nila ako pauwi, pero walang lumalabas na tunog sa aking bibig na para bang may nakatakip dito. Nalasing lang siguro ako kanina kaya ako hilong-hilo. Ibig sabihin ba no'n guni-guni ko lang na nakita ko si Enzo kanina? Ano na bang nangyayari?

"I'm impressed. Half our pa dapat mawawalan ng epekto ang pampatulog pero wala pang 15 minutes gising na siya," sagot naman ng lalaking driver sa lalaking nagsalita kanina. Parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon.

"Bigyan ko ba ulit ng pampatulog, boss?" Tanong ng lalaki sa driver na tinatawag niyang 'boss'.

Boss.

Lalong sumakit ang ulo ko nang tuluyan akong magising sa katotohanan. Si Enzo, at ang alagad niya, silang dalawa ang nag-uusap na naririnig ko ngayon. Saan nila ako dadalhin? Arghhh, hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Nakagapos ito. Mahigpit. Siniguradong hindi ko mabilis na matatanggal.

"Huwag na. Malapit na rin naman tayo," sagot ni Enzo sa alagad niya.

"Hi Crivo," bati sa akin ng alagad ni Enzo na muling ngumiti sa akin. "Alam kong hindi mo pa ako kilala."

"Ako nga pala si Trev," pagpapakilala nito at nakuha pang magbiro. "Malaki rin tit* ko, baka gusto mo."

"Easy Trev, hindi 'yan babae. Baka nakakalimutan mo?" Iniliko ni Enzo ang manibela ng sasakyan, dahilan kung bakit muntikan na akong mahulog sa back seat.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon