CHAPTER 08: Keep It Private

2K 98 32
                                    

Chapter 08: [Keep It Private]

CRIVO

Naudlot pa ang kalibugan naming dalawa nang dahil sa camera na napansin ko sa itaas ng kisame. Sino namang maglalagay n'on? Hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng privacy?

"Kakausapin ko lang 'yung mga staff sa baba," saad ni Hiro at mabilis na inabot ang kumot na pinantakip niya sa aking katawan. "Magbihis ka na muna ah? Huwag kang matakot, ako na ang bahala."

Dali-dali naman siyang lumabas at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Hindi ko inalis ang tingin ko sa camera habang isinusuot ang mga hinubad kong damit kanina. Sakto namang pagbalik nila Hiro ay tapos na ako.

"Can you check it? Sino namang gago ang maglalagay niyan dito?" Galit na bulyaw ni Hiro sa dalawang staff ng hotel.

Tinanggal ng isang staff ang nakakabit na camera sa itaas. Tiningnan nila 'yon pero mismong sila ay napatanong lang rin kung sino ang nagkabit n'on doon.

"As of now Sir, may tumitingin na po sa CCTV footage para malaman kung sinong pumasok rito sa room bukod sa inyo. Gusto niyo po bang lumipat na ng room?" Sabi pa ng isang staff.

"Okay, but make sure na walang camera." Kalmado na ang pagsasalita ni Hiro. Nilapitan niya ako at napansin ko namang napatingin sa amin 'yung isang staff. Base sa reaksyon nito, mukhang iniisip na may sex sanang magaganap sa amin ni Hiro kaso hindi natuloy nang dahil sa camera.

"I'm sorry about what happened. Hindi ko alam na may camera na palang nagmamasid sa atin," napabuntong-hininga na sabi sa akin ni Hiro. Niyakap ko siya dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari kanina. Kung may dapat mang sisihin, iyon ay ang nagkabit ng camera sa room namin.

Ilang minuto pa ang itinigal at nakapaglipat na rin kami ng mga gamit sa room na bago naming kwarto. Dalawang room ang pagitan nito sa kwarto na tinutuluyan nila Dos at Rence. Wala namang ipinagkaiba ang bagong room sa kwarto namin kanina bukod sa wala na ritong camera.

"Nagrenta pala ako ng dalawang speed boat para sa ating apat. Para after nating mag-lunch, pahinga lang kaunti tapos libutin natin ang dagat. Ayos ba?" Nakangiting sabi sa akin ni Hiro habang nag-aayos pa rin kami ng gamit.

"Talaga?" Halos hindi makapagsalitang tugon ko sa kaniya. "Na-excite tuloy akong sumakay sa speed boat."

"Ako na nga lang hindi mo nasasakyan eh," rinig ko na mahina niyang sabi.

"May sinabi ka?" Nagkunwari na lang ako na walang narinig.

"Ang sabi ko mahal kita," pag-iiba nito sa sinabi niya no'ng una.

"Ah talaga ba? Parang iba ata narinig ko ah." Nagawa ko na siyang kilitiin dahil sa sobrang panggigil ko sa kaniya. Pero wala na akong nagawa nang kilitiin naman niya ako sa tagiliran. Buti na lang soundproof ang bawat room dahil kung hindi, baka kanina pa may kumakatok sa pintuan dahil sa harutan naming dalawa.

Bumaba na rin kami ng hotel pagkatapos naming maayos ang mga gamit namin. Kasama na rin namin sila Dos at Rence.

"Anong gusto niyong kainin?" Tanong sa amin ni Hiro nang mapunta kami sa isang food restaurant ng beach. Bukas pa rin lahat ng kainan dito kahit kami lang naman ang bisita. Pag-aari pa rin siguro ang mga ito ng uncle ni Hiro kaya may sweldo pa rin ang mga nagtatrabaho kahit wala namang ginagawa.

"Kahit chicken wings na lang sa akin," mabilis na sagot ni Rence. "Hindi naman ako maarte."

"Ikaw Crivo?" Ako naman ang tinanong ni Hiro.

"Wala ba silang hotdog?" Tanong ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng tatlong loko.

"Hotdog ni Hiro, ayaw mo?" Pasaring na walang prenong bibig ni Rence. Kung wala lang si Hiro baka nakatikim siya ng suntok galing sa akin.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon