CHAPTER 02: Still Longing For You

864 39 47
                                    

Chapter 02: [Still Longing For You]


HIRO


And in the end...can you tell me if...
It was worth the try...so I can decide.


Kakaiba talaga magpakalma ang mga kanta ng Ben&Ben. Feel ko 'yong sinseridad sa bawat bitaw ng mga linya. Sabi nga sa kanta 'all will be all right in time', nakakatuwang ulitin.


Ako kaya, kailan ako magiging okay?


“Bihis na bihis ah?” Bungad na sambit sa akin ni Rence pagpasok nito sa aking kwarto. Kung maka-react ang loko, eh siya rin naman bihis na bihis  din ngayong gabi. Napaghahalataan tuloy na pinaghandaan naming dalawa ang araw na ‘to.


“Gusto ko lang maging presentable mamaya kapag nakita natin ‘yong dalawa,” sagot ko naman habang maayos na ikinakabit ang relo ko sa aking braso. “Ano palang balita? Nasabihan mo na sila?”


Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay mas naintriga pa siya sa nauna kong sinabi. 


“Maging presentable? O baka naman popormahan mo lang si Crivo mamaya?” Bahagya pa siyang lumapit sa akin at inayos ang anyo ng aking kwelyo. Agad naman akong nainis sa tanong niyang ‘yon kaya agad kong tinabing ang kamay niya.


“Napag-usapan na natin ‘to Rence,” diretsong sabi ko sa kaniya. Tumalikod naman ako at kinuha ang susi ng kotse sa keyholder. “Mamaya sasabihin na natin sa dalawa ang totoo, Rence.”


“Hindi ko kasi maintindihan Hiro, kung bakit ngayon mo pa gusto sabihin sa kanila eh matagal naman na talagang walang tayo? Bakit hindi mo pa sinabi sa kanila noong araw na nakipaghiwalay ako sayo? Dahil ba sa ayaw mong isipin ni Crivo na niligawan mo lang ako para maging panakip-butas mo lang?” Sunod-sunod ang mga pagbato ng salita sa akin ni Rence na nagpatikom sa aking bibig. 


“Panakip-butas lang naman ako para sayo Hiro. Matagal na kitang kaibigan kaya alam kong si Crivo pa rin ang laman ng puso mo. Pero hindi ko na kasalanan na duwag ka at hindi mo man lang pinaglaban ‘yang nararamdaman mo para sa kaniya.”


Sa mga narinig kong ‘yon galing kay Rence, tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Totoo naman kasi ang mga sinabi niya. Duwag nga ako.


Hindi ko naman kasi inasahan na aabot sa ganito ang sitwasyon. Nanligaw lang naman ako kay Rence para pagselosin si Crivo, hindi ko naman talaga sineryoso ang bagay na ‘yon hanggang sa sagutin na ni Crivo si Dos at maging silang dalawa. Sobrang bilis nang pangyayari hanggang sa ako naman ang sagutin ni Rence. Huli ko na ma-realize na dapat sinukuan ko na ang panliligaw ko sa kaniya dahil alam kong wala na pag-asa at hinding-hindi ko na makukuha muli ang loob ni Crivo. 


To make the long story short, ginamit ko lang si Rence para maging panakip-butas sa puso kong sawi. Pero hindi lang naman doon natapos ang lahat. Trust me, ginawa ko ang lahat para mawala sa isip ko si Crivo. Ginawa ko ang lahat para ibuhos kay Rence ang atensyon ko pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Puro sa sex lang umikot ang maikling relasyon namin. 


Walang spark


Walang butterflies in the stomach


Walang love.


Love—na kay Crivo ko lang nahanap. Hindi ko makakalimutan ‘yong unang araw na nanlaban siya sa akin at sigaw-sigawan ako. Bumaliko ang pagkatao ko dahil sa hindi maipaliwanag na karisma niyang dala.


“Male-late na tayo, baka kanina pa sila naghihintay sa restaurant,” sabi ko nang manumbalik ang diwa ko. Tumayo na ako at lalabas na sana ng kwarto nang biglang hawakan ni Rence ang braso ko.


Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon