CHAPTER 06: A Love Triangle

2K 98 3
                                    

Chapter 06: [A Love Triangle]

CRIVO

"Huwag mo 'kong iwan," mahinang bigkas sa akin ni Dos nang kapitan niya ako sa braso.

Hindi ko maitanggi sa sarili ko na kahit papaano, may natitira pa rin akong pake para kay Dos. May mga tanong ako na gusto kong itanong sa kaniya. Kung bakit siya uminom at naglasing? Bakit hindi siya umuwi sa kanila? At bakit dito siya nagpunta sa amin?

Nag-isip naman ako ng irarason kay Hiro kung bakit hindi ako makakapunta sa family dinner nila. Babawi na lang siguro ako sa kaniya sa susunod na araw. Hindi ko maiwanan si Dos nang mag-isa.

"I'm sorry Hiro. Nagkaroon ng emergency rito sa bahay. Babawi na lang ako sa susunod." Binasa ko pang muling ang nasa screen ng phone ko bago ko ito nai-send kay Hiro.

Binalik ko naman ang atensyon ko kay Dos na napansin kong pulang-pula pa rin. Sinapo ko ang noo niya at doon ko nalaman na sobrang init na nga niya.

"Ma?" Mabilis na pagtawag ko kay mama.

"Bakit nak?" Tanong naman sa akin nito.

"Inaapoy na po siya sa sobrang init," paliwanag ko naman.

"Kukuha agad ako ng bimpo at planggana na may malamig na tubig," natatarantang saad ni mama.

"Sige po. Ililipat ko na lang po muna siya sa kwarto ko," tugon ko naman at dahan-dahang inalalayang makatayo si Dos.

Naamoy ko ang alak sa bibig niya. Nahihirapan akong alalayan siya dahil sa bigat ng kaniyang katawan. Buti unti-unti kaming nakausad hanggang sa tuluyan ko na siyang naihiga sa aking kama. Hinubad ko na rin ang suot niyang sapatos at tinanggal ang mga butones ng polo niya. Pati na rin katawan niya ay pulang-pula na rin dahil sa sobrang init.

Maingat ko siyang pinunasan nang maihatid na sa akin ni mama ang plangganang may tubig. Sinimulan ko muna sa kaniyang ulo at braso. At hinubad ko na rin ang suot niyang polo para mapunasan ang buong katawan niya. Naririnig ko pa ang kaniyang mahihinang ungol sa tuwing dumadampi ang bimpo sa balat niya.

Sunod ko namang hinubad ang kaniyang pantalon para mapunasan na rin ang parte ng hita niya. Bahagya naman akong natatawa sa tuwing gagalaw ang kaniyang alaga na nakatago sa brief niya. Wala siyang kamalay-malay na buhay pa rin ang alaga niya kahit na lasing siya.

"Nagdala na rin pala ako ng damit pambaba niya. Hindi ko na sinamahan ng pang-itaas para sumingaw ang init niya sa katawan," saad ni mama sabay patong ng damit na dala niya sa higaan. "May kailangan ka pa ba?"

"Wala na po. Thank you pala, Ma. Tapos sorry na rin sa istorbo na ginawa ni Dos." Proud na proud lang din ako na may magulang ako na sobrang maalaga. Ina-apply ko lang din kung ano ang mga bagay na natutunan ko sa kanila. At isa pa, hindi na bagong mukha para sa kanila si Dos kaya tinuturing na rin nila itong parang tunay na anak nila.

"Wala 'yon. Pagkatapos mo d'yan, bumaba ka na lang din ah? Hintayin ka namin ng papa mo para mag-dinner." Tumango na lang ako kay mama bago niya tuluyang isinara ang pinto.

Muli ko namang tiningnan sa mukha si Dos. Kanina lang sa school para siyang galit na tigre habang pinarurusahan ang lalaking estudyante. Pero ngayon, maamong mukha na niya ang nasisilayan ko.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya naririnig. "Alam mo bang natakot ako sayo sa school kanina? Kung paano mo binully 'yung lalaking estudyante. Hindi maalis sa isip ko. Paano kung ako 'yon? Paano kung si Hiro 'yon? Hindi ko na kayang makita kang gano'n. Natatakot ako."

Hindi ko na namalayang may tumutulo na palang luha sa mata ko. Dala siguro ng emosyon kaya hindi ko na rin napigilan. Sinusulit ko na ang pagkakataon na ito na masabi sa harapan niya lahat ng gusto kong sabihin. Okay lang sa akin kahit hindi niya marinig. Ang mahalaga, nasabi ko sa mismong harapan niya.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon