CHAPTER 10: Lustful Intent

2K 108 69
                                    

Chapter 10: [Lustful Intent]

CRIVO

Lunes na Lunes pero wala ako sa mood para pumasok. Mukhang napuyat pa ata ako kaiisip sa ginawa ni Dos kahapon. Sino ba namang hindi magugulat sa akala mong maayos na pero hindi pa pala? Bakit naging gano'n na lang bigla ang mga ikinilos ni Dos? Akala ko ba masaya na siya para sa amin ni Hiro?

Naglalakad na ako sa hallway papuntang classroom nang may makabangga akong babaeng estudyante. She seems familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya huling nakita.

"Ouch!" Malakas na reklamo nito na animo'y nabalian na ng buto kung maka-react. "Bulag ka ba? O sadyang bulag-bulagan?"

Aba maldita!

"I'm sorry Miss, pero hindi ko naman sinasadya," diretsong sagot ko sa kaniya. "At saka hindi ako bulag. Lagyan mo minsan ng preno 'yang bibig mo."

Hindi naman ako magpapatalo. Hindi niya ata kilala binabangga niya. Ako lang naman si Crivo Gonzalez, ang nagpabaliko sa dalawang bully ng Brighton High.

"So you mean, it's my fault?" Pagtataray pa nito at mukhang hindi rin magpapatalo. "And how dare you para pagsabihan ako kung anong dapat kong gawin? You're wasting my time."

May pa-wasting-my-time ka pang ulol ka!

Inirapan pa ako bago tumalikod ang malditang estudyante na akala mo sino kung umasta. Humakbang na ito papalayo hanggang sa hindi na matanaw ng dalawang mata ko.

Hindi ko pa rin matandaan kung saan ko siya nakita. Halos kilala ko na ang mga mukha ng estudyante rito sa Brighton High pero may something about her na hindi ko maalala. May atraso ba 'yun dati sa akin?

"Good morning Crivo," bati sa akin ni Rence nang makapasok na ako sa pintuan ng classroom. May paghawak pa sa braso ko. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya.

Nakita ko naman sina Dos at Hiro na nag-uusap sa harapan. Lumapit na si Hiro sa akin nang mapansing naupo na ako sa aking upuan.

"Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos ah," saad sa akin ni Hiro. "Hindi ka nakatulog kaiisip sa akin, ano?"

Paano niya nalamang napuyat ako? Gano'n na ba ka kahalata ang eyebags ko?!

Natawa na lang ako sa sinabi niya at iniba na ang usapan. "Ikaw ba? Kumusta tulog mo?"

Ayaw ko namang sabihin sa kaniya na si Dos ang dahilan kung bakit ako napuyat. Gusto ko maging honest sa kaniya pero natatakot ako na baka sa isang bagay na 'yun ay magkasira pa silang magkaibigan at magbago ang pakikitungo niya sa akin. Natatakot ako na baka isang araw mangyari 'yon.

"Okay naman, actually may napanaginipan pa nga ako eh," pasabik na tugon niya sa akin.

"Ano namang panaginip?" Tanong ko sa kaniya. Ano naman kayang panaginip 'yon at bakit ang saya-saya niya?

"Nag-sex daw tayo sa canteen," natatawang tugon niya pa. Gulat na gulat ang reaksyon ko at hindi na rin mapigilan ang pagtawa.

Grabe naman 'tong panaginip ni Hiro! Sa canteen pa talaga dinapuan ng kalibugan. Hindi ko ma-imagine na magagawa ko 'yun kasama siya.

Canteen pa talaga?

"Seryoso ba 'yan?" Natatawa pa rin na tanong ko sa kaniya.

"Ano? Game ka ba sa canteen?" Maloko pang saad nito kaya marahan kong inilayo ang mukha niya nang ilapit niya ito sa akin.

Bigla namang naging seryoso ang reaksyon niya at kinuha ang kanang kamay ko. Hinawakan niya ito gamit ang kaliwang kamay niya. Hinalikan niya pa bago ulit siya nagsalita at tumitig sa akin.

Pervert Bullies [bxb] | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon