(Cassey's POV)
Lunch break na at andito na kami nila Mina sa Cafeteria kasama yung apat na cute boys.. *0*
"So, bakit pala kayo nag-transfer dito sa school namin?" Ice-breaker na tanong ko sa kanilang apat habang kumakain kami..Masyado kasing tahimik..
"Ah!. Hehe.. kasi ganito yan.. haha... kasi haha... sorry di ko lang maituloy.. natatawa kasi talaga ako eh.." sabi ni James na tawa ang tawa.
Nakahawak na siya sa tiyan niya habang tumatawa, habang palipat-lipat ng tingin kay Jessie at Mina..may sira ata tong isang toh eh..
"Shut up James! Baka gusto mong mag-push up mamaya?" nakatingin nang masama si Jessie sa kanya..
"Ganito kasi yun Miss Cassey, sabihin na lng nating nag-transfer kami for the sake of Jessie.. Dito niya daw kasi makikita yung matagal na niyang hinahanap.." paliwananag ni Kevin samin..
"Ano naman yun? Yamashita's treasure ba? Aba akalain mong totoo pala yun?" nonsense na sabi ni Tiff.
"Haha.. Hindi naman.. Pero mas higit pa raw ito sa pinaka-precious na gem sa mundo for Jessie.."
"Mas precious pa sa kahit anong gem? Para sakin wala ng mas precious pa sa gem sa Clash of Clans.. *0*" sabi ulit ni Tiff.. Iba talaga utak nitong babaeng to..
Napaisip naman ako sa sinabi ni Kevin..Ano or Sino naman kaya yung hinahanap niya nayon at talagang nag-transfer pa siya rito sa school namin..
Si Mina deadma lang habang kumakain, si Jessica naman ayun naghihikab.. Inaantok na naman ata.. -_-
"Change topic pwede ba?" pagalit na sabi ni Jessie habang pasimpleng sumulyap kay Mina na may sariling mundo habang kumakain.. hmm.. I smell something fishy..
"Ah! Nga pala.. Sica, sila pala yung mga new students.. Tulog ka na nama kasi kanina kaya hindi mo pa sila kilala.." kinalabit ko si Jessie sabay pakilala sa four guys..
Nag-nod lng naman siya don sa apat..
"Yo! I'm Christian.. Nice to meet you" cheerful na bati ni Christian sa kanya sabay lahad ng kamay..Pero di siya pinansin ni Sica na nakayuk-yok na naman para matulog..
"hehe.. pagpasensiyahan mo na siya.. Ganyan talaga yan eh.." sabi ko kay Christian at ako na lng nakipag-shake hands.. kawawa naman.. pahiya pa kagwapuhan niya..
"Ahm matagal na rin ba kayong magka-kaibigan?" tanong ko ulit sa kanila while drinking my milktea..
Napatingin naman silang apat sakin.
"Ahm. I mean siguro super closed niyo na kaya nag-transfer din kayo dito for the sake of Jessie."
"Ah oo! Childhood friends kami nitong si Jessie..'To nmang sila Christian at Kevin, naging classmates nmin nung gradeschool kami.." sabi ni James habang tinuturo ang mga friends niya using his fork.
"So matagal-tagal na rin pala ang friendship niyo? Kami rin since gradeschool, friends na kami nitong mga besties ko.. Kaya alam na nman mga secrets ng isa't isa." Nakangiting sabi ni Tiffany then umakbay siya sakin..
"Cool! Kami rin.. We treat each others as brothers na.. Lahat ng dark secrets ng isa't isa alam na namin.. Katulad na lng ng nakakaihi pa sa kama si James nung grade 1 kami.. hahaha.." tumatawang sabi ni Christian..
"Eeew ! gross naman.. Umiihi ka pala sa kama mo?" nakangiwing tanong ni Tiffany kay James..
" Di ako yun noh! Si Christian kaya yun! Kadiri ka pre.." depensa naman ni James habang tinulak ng mahina si Christian na katabi niya..