Chapter 9: The Date (Part 1)

13 4 0
                                    

(Tiffany's POV)

Tok Tok Tok!

Nagising ako nung may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Ugh! Sino ba'to at ke aga-aga nang-iistorbo? Haler wala kayang pasok ngayon? It's Freaking Saturday kaya..

Tinignan ko yung orasan. Shikes! It's still early! 10:45 am pa lang.. Yups, that's still early for me.

Hindi ko pinansin kung sino man yung kumakatok sa pintuan ko. Manigas siya diyan. Antok pako ihh..

Tok! Tok! Tok!

"Fany? Yoohoo??? Do you wanna build a snowman?"

Napabangon naman ako bigla. Ano na naman kaya trip ng ate ko at pumo-frozen siya. 2 years na nga ang nakakalipas hanggang ngayon LSS pa rin siya.

"Yoohooo? Tiffany?! Gumising ka na nga diyan at may bisita ka sa baba..!" tawag ulit ni ate.

Bisita? Sino naman kayang dadalaw sakin? Wala naman akong sakit para dalawin ah. Saka kung sila besties yan, diretso pasok na lang sila dito sa room ko.

Blag! Blag! Blag!

Mas lalong lumakas yung pagkatok. Hala! Baka masira na naman ni ate yung pinto ko. Kakagawa lang non eh! Nasira niya noon nung ginigising niya rin ako.Ang Amazona talaga ng ate ko.

Tumayo na ako at binuksan yung pinto. There I saw my sister smiling brightly to me. Pero ng Makita niya itsura ko, she gasp in horror!

"Bakit hindi ka pa bihis?! May muta ka pa sa mata! Dalian mo at andiyan si Prince sa baba!" sabi niya habang tinutulak ako papunta sa C.R. sa loob ng room ko.

"Prince? Ate wala akong kilalang prince. Kaw talaga ang hilig mo magpapasok ng mga strangers!" sermon ko sa kanya.

"Sabi niya classmate mo raw siya eh. Dalian mo diyan at ie-entertain ko muna yung bisita mo sa baba na Mucho Guwapito!" kinikilig pa niyang sabi saka siya lumabas sa kuwarto ko.

Ugh! Sino naman kayang Prince yon?! Padabog na akong pumasok sa banyo para magbihis.

 -----------------------------------------------------------------------

Pababa pa lang ako ng hagdanan pero rinig na rinig ko na yung eskandalosang tawa ni Ate Kira. May isa pang boses ng lalaki ako na naririnig. And his voice sounds very familiar.

Pagdating ko sa sala naabutan ko nga sila ate na masayang nagkwe-kwentuhan. Hindi ko pa makita kung sino yung "Prince" na yun dahil nakatalikod ang pwesto niya sakin.

"Oh! Andito na pala si Tiffany eh! Ang bagal mo talaga kumilos. Kanina ka pa hinihintay ni Prince!" sermon sakin ni ate.

Tss! Di na lang ako umimik at lumapit para tignan kung sino mang siyokoy ang bisita ko ngayon.

Pagtingin ko sa kanya shet lang gusto ko na ulit kumaripas ng takbo pabalik sa kuwarto ko.

Si Kulot Pusa ang bisita ko. My Gee! Nakalimutan ko, natalo pala ako sa deal namin noon kaya may date kami ngayong Saturday.

"Good morning Beyb! Maganda ka pa sa umaga. Flowers for you!" bati ni Kulot sabay abot nung bouquet.

Wow. Super gaganda nung mga flowers. Assorted na pink colors lahat. The arrangements are also beautiful.

"Thanks. It's beautiful!" ngumit ako then inabot ko yung flowers.

Wala ng hiya-hiya. Pink ba naman eh. *0*

"Buti naman nagustuhan mo. Alam kong favourite mo ang color pink kaya pink lahat yung pinili kong flowers." Naka-smile niyang bati.

Inamoy-amoy ko naman yung mga petals. Infairness kay Kulot may sense. Dagdag pogi points yun sa kanya.

Strings of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon