(Mina's POV)
Ugh! Nag-inat -inat muna ako.. Gravity lang! 4 hours na akong nakaupo at nagta-type dito sa computer.. Tinignan ko yung orasan sa itaas ng pintuan nitong SC room. 1 pm na pala..
Tapos na pala ang lunch break.. Tinignan ko naman mga kasama ko.. Busy pa rin sila sa pagta-type at pag-edit ng mga articles.
Deadline na kasi bukas.. Kelangan naming matapos 'to before ng field trip next week.. Ganito ang mahirap kapag officer ka eh.. Pero worth it naman kasi I love to write talaga.. (:
"Guys! Break muna tayo.. Tapos na pala ang lunchtime.. Masama ang nalilipasan ng gutom.. Ako na lang pupunta sa cafeteria.. Relax na muna kayo jan." Sabi ko sa mga co-officers ko..
"Thanks Mina! The best ka talaga.!" Lumapit at yumakap pa sakin si Ara..
Siya yung Assistant Editor-in-Chief.. Close rin kami nitong bruhang toh..
Simula kasi nung naging EdChief ako siya na yung Assistant ko..
"Woohoo! The best ka talaga idol! Kaya lab na lab kita eh!" sabi ni Kiro, ang photographer namin.. Yayakap rin sana siya pero hinarang ko na yung kamay ko sa mukha niya..
"Hep! Hep! Oo na.. Bobolahin mo pa ako eh.. Dating gawi ba guys?" tanong ko sa kanila..
"Yups! Garlic breads and Lasagna then Royal yung drinks!" sagot ni Ara. Tinignan ko yung iba sa gilid at nag-nod sila..
Nag-smile ako then lumabas nako ng room.. Kaya gustong-gusto ko ang mga members ko eh, kasi pareho naming like ang lasagna..
Or should I say na-influence ko na sila sa pagka-hilig sa lasagna.. Pano ba naman, every bibili ako ng foods nmin, lasagna lagi ang binibili ko.. hehe...
Papasok na ko sa cafeteria nang may Makita akong eye-sore sa paligid.. Hay naku! Kita ko na nman po si Manok..
Nakapila siya sa may cashier.. Late na rin ata siyang mag-lunch.. Ugh! Paki ko ba?!
Pumila na rin ako sa likuran niya.. Napatingin naman siya skin.. Deadma lang ako..
"Hi" sabi ni Manok..
Hmm.. Ano kayang nakain ng manok na ito at kinakausap niya ako. Teka baka naman hindi ako yung binabati niya. Baka masabihan pa ako na assumera. Tumingin ako sa likod ko. Wala namang tao.
"Ako ba kausap mo?" tinuro ko pa sarili ko..
"Haha.. Oo.. Sino pa ba eh ikaw lang naman tao sa likod ko.. Maliban na lang kung hindi ka pala tao" sagot niya.
Ugh! Umiinit na nman ulo ko.. Everytime na lang talaga na mag-uusap kami lagi na lang niya akong iniinis.. Tinaasan ko siya ng kilay..
"Alam mo kasi, hindi talaga ako tao.. Kasi Diyosa ako" sabi ko sa kanya then nag-crossed arms ako..
"Talaga lang ha? Ikaw siguro yung diyosa ng mga hayop.. Kamukha ka kasi nila eh." He said then smirk..
"Excuse me lang noh! Wag mo nga akong itulad sa uri mo'ng manok ka! Ikaw nga jan ang mukhang hayop eh..Hayop na panabong! " inis na sabi ko sa kanya..
Sa dinami-rami kasi ng pwedeng makasabay sa pila, itong Tandang pa na ito.. Gawin ko siyang Fried Chicken eh!
"Chill! Binibiro lang naman kita eh.. Haha. " sabi niya saka niya tinaas yung dalawang kamay niya.
Di ko na lang siya pinansin.. Tumahimik na rin naman siya.. Siya na kasi ang susunod na oorder..
"Ladies first.. Kaw na lang muna ang mauna. 'Lam ko naman na nagwawala na yang mga alaga mo sa tiyan." give way niya sakin..