Tiffany's POV
Nang mapagod ako sa kakatakbo ay huminto muna ako at umupo sa lilim nung nag-iisang puno rito sa burol. It's a mango tree.
"Taym pers muna Kulot! Pagod na'ko. Tama na. Suko na'ko." Sabi ko habang hinihingal.
Lumapit naman siya sa akin at inabutan ng tubig. Uminom naman ako kaagad.
"Ikaw kasi eh. Kung makapang-lait ka sa kilay ko. Asset ko kaya 'to." Umupo naman siya sa tabi ko.
Hindi na ako kumibo kasi hinihingal pa ako.
"Oh panyo. Punasan mo 'yang pawis mo." Inabot niya sakin yung panyo niya.
Kinuha ko naman at nagpunas na ako ng mukha. Hmmm. Infairness mabango. Ano kayang gamit niya na FabCon? Downy? Del?
Habang nagpupunas ako ng pawis ay tumayo naman siya at lumapit don sa trunk ng puno. Nilabas niya yung swiss knife niya at inukitan niya yung puno.
Lumapit naman ako sa kanya. "Huy! Ano 'yang ginagawa mo? Baka pagalitan tayo niyan?"
"Chillax ka lang Beyb. Nagsusulat lang ako ng remembrance para sa first date natin." Sabi niya habang patuloy sa ginagawa niya.
Tss. Hinayaan ko na lang siya. Tigas talaga ng ulo nito.
"Oh ayan! Tapos na." Hinipan naman niya at pinagpag yung part ng puno na inukitan niya.
Tinignan ko kung ano yung inilagay niya.
J <3 T 4ever
'Yan yung nakasulat.
"Ako yung J saka ikaw yung T!" masiglang sabi niya.
Napangiti na lang ako sa sweet antics niya. (:
"Forever talaga ha? Baka naman magbago pa isip mo?" paninigurado ko sa kanya.
"Di noh. I'm a man with one word. Paninindigan ko talaga iyan Beyb! Kung hindi man tayo magkatuluyan, but I doubt that that will happen, hehe lagi pa rin ako sa tabi mo. Forever!"
Hindi ko alam kung ano'ng meron pero I hugged him. I felt that he stiffened. Pero eventually he hugged me back.
"Thanks Kulot. Thanks talaga." Naiiyak na naman ako.
"Oh bawal umiyak ha. Gusto ko pag kasama mo ako lagi kang masaya!" sabi niya.
Pinunasan ko naman agad 'yonh luha ko. Then nag-smile na'ko.
"Ayan! Ganyan dapat. Lalo kang gumaganda kapag nakangiti." Kinurot niya pa pisngi ko.
Nilabas naman niya yung cellphone niya. "Tara Selfie tayo!"
Nag-selfie kaming dalawa with the letterings na inukit niya sa puno.
"Wacky naman!" sabi niya.
Matapos angb aming mini photoshoot ay nagligpit na kami ng mga ginamit namin kanina at inilagay na sa sasakyan.
"Sa'n na tayo pupunta Kulot?" andito na kami sa sasakyan.
"Diba sabi ko sa'yo kanina Fiesta sa may Barangay Bonifacio? May Miss Gay Contest tonight. Manunuod tayo. For sure masaya 'yon!" sagot niya.
"As in! Wow! Ang tagal ko ng gustong manuod ng mga ganong contest!" excited na sabi ko.
"Ay wait! Ite-text ko si Bestie Mina. Taga-roon siya eh." Inilabas ko naman yung cellphone ko.
Tinext ko na si Bestie Mina. After a while, nagreply na siya.