(Tiffany's POV)
Maaga akong gumising ngayon.. Today kasi ang start ng audition for the Theatre Club.. Excited na rin ako para sa deal namin nung si Mr. Kulot guy.. Buhok pa lang playboy na.. Buhol-buhol eh!
Hmff.. Kala niya makukuha niya ko sa mga flowery words niya.. They didn't call me a playgirl for nothing..
I get my pink bag, my pink I-phone and my pink purse and I'm ready to go.. Tumingin muna ako for the last time sa full body mirror ko.
Inayos ko ng konti yung ribbon ng suot kong floral dress na siympre may touch ng color pink. Perfect! I'm so pretty talaga. Oops! I mean I'm a goddess talaga!
Lumabas nako ng bahay then pumara ng taxi.. Pina-ayos ko pa kasi 'yung car ko kAya no choice magko-commute ako today.
Buti na lang may mga dumadaan na taxi rito sa loob ng subdivision namin.. Hindi ko na kelangan maglakad hanggang sa may entrance ng subdivision para lang sumakay..
Pagkarating ko sa school nakita ko agad si Boy Kulot na naka-shades at pa-cool na nakasandal sa may gate.. Pinagtitinginan na siya ng mga gurls and gays..
Kinikindatan naman niya lhat ng mga napapalingon sa kanya..Great! Umagang-umaga masisira na ata araw ko..
Dire-diretso lang akong naglalakad at hindi ko siya pinansin.. Pagkalagpas ko sa kanya bigla na lang niya akong hinabol at tinawag..
"Hey! Wait Miss Pink!" tawag niya sakin.. Di ko siya pinansin at mas binilisan ko pang maglakad..
"Uy sabing sandali lang eh.. " Hinawakan niya ako sa braso for me to stop..
"Ano ba'ng kelangan mo?" naiinis na tanong ko sa kaniya..
"'To naman, umagang-umaga bad mood kana.. Kanina pa kaya kita hinihintay don sa may gate.. Ipapa-alala ko lang yung deal natin mamaya.. " sabi niya sakin..
"Oo alam ko.. hindi ako makakalimutin no.. Saka sinabi ko ba'ng hintayin mo ko? Eh engot ka naman pala eh! Mag-kaklase kaya tayo.." I told him then naglakad nako papunta sa room.. Ugh! BV na agad ako..
"Hehe.. Sorry naman.. Excited lang ako'ng Makita ka eh.. Gumaganda kasi umaga ko kapag nakikita kita.." sinabayan na niya akong maglakad papunta sa room namin..
Tahimik lang ako na naglalakad as if na hindi ko siya kasabay.. Pag-pasok sa room andon na yung mga besties ko.. Nagkwe-kwentuhan silang tatlo..
Natigil sila nung pabagsak ko na nilagay yung bag ko then nakasimangot ako na umupo..
Umupo na rin si kulot.. Dumating na rin yung tatlong bestfriends niya.
"Oh an'yare? Bakit ganyan mukha mo?" tanong sakin ni Cassey..
"Wala may humarang lang sakin na kulot na pusa!"
"Haha.. pusa lang pala eh.. Ang cute kaya nila.." sabi ni Mina..
"Mas cute kaya ang sawa." Kontra ni Jessica.
Gross talaga ng Bestie kong ito. Kakaiba ang hilig. Buti di pa siya natutuklaw ng mga alaga niya.
"Tss.. kung alam niyo lang kung anong klaseng pusa.." nangalumbaba ako sa desk ko..
Buti na lang at nag-bell na kaya hindi na ulit nagtanong tung tatlo.. Sinenyasan naman ako ni Pusa este ni Kulot at may iniabot siya naka-fold na paper..
Tinignan ko lang siya ng masama.. Nginunguso naman niya yung paper.. Umirap muna ako bago ko binasa yung nakasulat..
"Be ready for our date on Saturday, Babe.. I know for sure I'm gonna pass.. (;"