Chapter 18: Courting You.

9 2 0
                                        

June 4, 2016 10:28 pm.

Chapter 18: Courting You.

Mina's POV

"Miss EdChief! May nagpapa-bigay daw po sa'yo nito oh." Tawag sa akin ni Yvonne. Isa sa mga editors ng 'Affinity'ang Official School Paper. May dala-dala siyang bouquet of red roses at chocolates.

"Ayyiiieee!"

"Yown oh! May Secret Admirer si EdChief!"

"Ang sweet naman!"

Tukso sakin ng mga kasama ko rito sa SC room. Hindi ko naman sila pinansin at kunot-noong tinignan ko si Yvonne.

"Kanino raw galing?" tanong ko.

Nagkibit-balikat naman siya at inabot sa akin ang mga 'yon. "Ewan ko po eh. Inabot lang nung batang lalake kanina. Based on his uniform, he's an elementary student."

Binasa ko naman 'yung nakasulat sa card na nasa bouquet.

' Roses are red. Violets are blue. When I woke up this morning..... I only think about you. XOXO –Jessie'

Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko ng malaman ko kung kanino galing 'to. So tinotoo talaga ni Manok ang panliligaw chorva niya ha. At talagang may 'XOXO' pa sa huli. -__-

"Ayiiee! Kinikilig si Mina oh!" tukso ni Ara sakin.

"Lalanggamin ata tayo sa ka-sweetan ah." Eugene also teased, ang feature editor namin.

"Heh! Balik na nga kayo sa ginagawa niyo. Marami pa tayong tatapusin na articles." Sabi ko sa kanila.

They have this mischievous smile plastered on their faces bago ulit sila bumalik sa ginagawa nila. Nilapag ko na lang sa gilid ng table ang mga binigay ni Manok.

Kakatapos lang ng field trip slash retreat namin at back to school na naman kami. Ibig sabihin din ay tambak na naman kami sa mga gagawin na articles.

Kailangan naming matapos agad ang mga 'to para hindi kami mas lalong matambakan dahil Foundation Week na next next week.

Napatingin naman ako sa flowers at chocolates na binigay ni Manok. In fairness, mediyo sweet nga ang way niya ng panliligaw. PEro sana sunflower na lang yung flowers o kaya redbull na lang at hindi chocolates.

Sarreh naman! Favorites ko kasi ang mga 'yon eh. But I appreciate his effort naman. Hindi nga lang pa rin ako makapaniwala na nililigawan na niya ako.

Ano ba talagang nangyari don? Naalog ba ang ulo niya sa bus habang natutulog siya at pagmulat ng mga mata niya eh ako ang nakita niya kaya sakin siya nagkagusto?

Haist! Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko. Ininom ko ng diretso ang Redbull na nasa lamesa ko saka shinoot sa basurahan sa gilid ng kuwarto. Three points!

Actually hindi naman siya ang unang nagsabi na manliligaw sakin. Siyempre sa pagkakaroon ng mala-Diyosang mukha eh marami na ring nanligaw sakin 'no.

Kaso nga lang ay wala akong sinagot sa mga 'yon. Hindi ko pa kasi priority ang pagkakaroon ng boyfriend eh.

Lalo na this time, ako pa man din ang gumawa nung agreement naming magka-kaibigan na 'wag munang magbo-boyfriend hanggang hindi kami guma-graduate. Tutal last year naman na namin ito eh.

"Waahhh! My labs! Sino ang nagbigay ng mga 'yan?!" exaggerated na tanong ni Kiro pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa room.

"Makasigaw ka naman diyan. May nagka-klase kaya sa kabila." Saway ko sa kanya.

Strings of FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon