James' POV
Andito kami sa taas ng punong mangga sa mini forest nitong rest house. Medyo malayo kami sa karamihan kaya tahimik dito.
Hilera kaming naka-upong apat sa isang malaking sanga.
Hanep ang view dito.Tanaw na tanaw mo ang mga chickababes! Este 'yung Taal Lake.
Di na pala ako playboy. Off-limits na sa mga chicks. Hehe. Good boy na'to men!
Tahimik lang kaming apat. Ako at si Kevin ay kumakain ng lollipop,si Jessie naman tulala lang, si Christian naman ay naka-headset.
Almost 2 hours pa naman bago mag-9 kaya okay lang na magmuni-muni kami rito.
"Hayyyy....." sabi ko saka bumuntong-hininga.
Napatingin naman sila sakin. Sa gitna kasi ako naka-pwesto.
"Mga brad. Ang laki ng problema ko." Emote na sabi ko.
"Ano naman? May stalker ka na naman ba na chicks mo dati?" tanong ni Kevin.
Umiling naman ako.
"May humahabol na naman ba sayong tatay para i-shotgun wedding ka?" tanong niya ulit.
Umiling ulit ako.
"Naka-halik ka na naman ba ng bakla na napag-kamalan mong babae?" tanong din ni Christian.
"Kadiri naman pre! Binaon ko na 'yon sa lupa tapos inungkat mo pa. Kung pwede nga ring ibaon 'yung Josefa na'yon eh! Saka sa pisngi lang naman 'yon ah!" depensa ko.
"Eh ano nga?! Babatukan na kita diyan eh!" sabi ni Christian.
"Kasi mga 'pre ganito 'yon eh. Haayy.. Ang hirap talaga. Ilang araw ko ng pinag-iisipan kung anong solusyon dito sa problema ko. Advice naman diyan oh. Paano ba mababawasan ang kagwapuhan ko mga brad? Araw-araw pagwapo ako ng pagwapo eh. Ang hirap na." Seryosong sabi ko sa kanila.
Binatukan naman ako nila Christian at Kevin. Sila kasi 'yung katabi ko. Si Jessie asa dulo sa may kanan ni Christian.
"Aray naman! Ayan tuloy nalaglag na 'yung lollipop ko." reklamo ko sa kanila.
"Pakibatukan na lang ako. Di ko abot eh." Sabi ni Jessie.
Akma naman na babatukan ako ni Christian.
"Oy! Oy! Tama na ha. Sakit kaya na ng batok ko. 'Pag ako nagka-amnesia. Who you kayo sakin!"
"Engot! Sa ulo ang amnesia hindi sa batok!" sagot ni Christian.
"Saka talagang who you kami sa'yo kapag nagka-amnesia ka. Amnesia nga eh diba?!" dagdag naman ni Kevin.
"Tss! Sabi ko na nga lang sayo James na 'wag ka ng magka-katol sa apartment." Sabi naman ni Jessie.
Tss. Pagka-isahan talaga ako eh.
"Hmf! Teka may joke pala ako! Nabasa ko lang 'to sa FB. HAha. Laftrip talaga men! Hahaahaah!" sabi ko sa kanila.
"Psh. Sigurado fail na naman 'yang katulad nung kanina" Kevin said.
"Sinabi mo pa. Oh ano na 'yong joke mo?" bored na sabi ni Christian.
"Oo na. 'Eto na nga. Ehem. Bakit laging mahaba ang buhok ng mga multo?" tanong ko sa kanila.
"Bakit?" Walang buhay nilang sabi.
"Kasi kapag kalbo sila, Baka matawa ka lang! Comedy na'yon hindi Horror! HAahahaha." Tawa ako ng tawa.
-___________-
BINABASA MO ANG
Strings of Friendship
Roman pour AdolescentsWhen destiny plays with your friendship.