Chapter 19: Baby.

8 1 0
                                    

June 21, 2016 11:10 pm.

Chapter 19: Baby.

Tiffany's POV

"Oy Mina, tama na 'yang kaka-tungga mo jan! Nakaka-ilan ka na ha!" saway ko kay Mina na kanina pa umiinom.

"Oo nga naman, Bestie. Baka hindi ka na makatulog niyan." Pag-awat din ni Cassey.

"Akin na nga 'yan." Inagaw ni Sica yung lata na hawak ni Mina.

"Ano ba! Tigilan niyo nga akong mga Powerpuff Girls kayo! Gusto ko magpaka-lasing!" pilit niyang kinukuha ang iniinom kay Sica.

Binatukan naman siya nito. "Gaga! Pano ka malalasing eh Redbull itong iniinom mo. Insomia ang aabutin mo nito eh."

Natawa naman kami ni Cassey nang mag-pout si Mina. "Eh ang pait kasi kapag alak eh."

"Natural! Alak nga eh!" inubos ni Sica yung laman nung natitirang Redbull. Pang-anim na ata ni Mina 'yon eh.

Nang uwian namin kanina ay nag-aya siya na mag-overnight kami sa bahay nila. Ewan namin kung bakit niya kami inaya. But I have a hint na dahil 'to sa pagha-harana ni Jessie kanina.

Ayyyiieee! I'm so kinikilig talaga kanina for them. Akalain mong ang sweet pala ni Jessie. Kala ko pinaglihi sa sama ng loob 'yon eh.

Pagdating na pagdating namin dito ay kumuha siya ng sangkatutak na Redbull at nagpaluto pa ng sizzling sisig kay Yaya Lumen.

"Bakit mo ba kami inayang mag-overnight ha? Come on, spill the beans. Kung hindi lang talaga importante 'yan naku... Tatamaan ka sakin. Wala tuloy kasama matulog si Beauty ngayon." Inip na sabi ni Sica.

Pinigilan ko naman na mapa-iling. Graveh talaga 'tong Sissie namin na 'to. Isipin ko pa lang na may katabi akong ahas sa pagtulog baka bangungutin pa ako.

Huminga naman muna ng malalim si Mina bago nagsalita. "Kasi......"

"Kasi....?" Cassey.

Inis naman na ginulo ni Mina ang buhok niya. "Aish! Kakainis eh! Di ko alam kung pano ko sasabihin."

"Chillax lang, Bestie. Tungkol ba kasi saan 'yan?" tanong ni Cassey.

"Tungkol kay ano.. Ahm.. T-tungkol kay...."

"Kay Jessie ba?" pagtuloy ko sa sasabihin niya.

Napatingin naman siya sakin. "Hay naku, Best. It's written all over your face na siya nga ang iniisip mo."

"Ayyiiiee! Hindi ka ba maka-get over sa ginawa niya kanina? Kaya ka hindi mapakali diyan?" Cassey asked.

"Yes and No." sagot naman niya.

Napakunot naman kami ng noo sa sinabi niya. "Ha?"

"Yes, hindi ako maka-get over sa ginawa niya kanina. And No, dahil I don't understand what I'm feeling right now." Problemadong paliwanag niya.

"Eh ano ba kasi 'yang nararamdaman mo?" Sica asked while cuddling the big Kero Keroppie of Mina.

"I-I don't---"

"'Wag mong sasabihing I don't know at babatukan kita Bes!" banta ni Cassey.

"Ihh... Hindi ko naman kasi alam eh. Kinilig ako na hindi na naiinis sa sarili ko dahil hindi ko nga alam ang nararamdaman ko na nafu-frustrate dahil sa nararamdaman ko ngayon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strings of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon