Chapter 5: The Acoustic Prince and the Sleeping Beauty

22 4 0
                                    

(Jessica's POV)

"Waahhh!!! Bakit siya nakapasa.. Ihhh naman eh! Hindi naman siya kagalingan eh!" pag-ngawa ni Tiffany..

Hay naku.. kanina pa siya ganyan.. Hindi niya kasi matanggap na nakapasa sa audtion sa Theatre club si James.. Ayan tuloy, natalo siya sa pustahan nila.. -_-

Andito kami sa may garden sa may likod ng HS building.. Dito kami tumatambay kapag walang klase..

"Ayaw ko makipag-date sa kanya! Naman eh.. Baka nagkamali lang sila at naisama ang name niya!" patuloy na reklamo niya..

"Hay naku Bestie! Tanggapin mo na lang kasi na natalo ka.. Haller guwapo naman si James ah.. Bagay nga kayo eh." Kantiyaw ni Cassey sa kanya..

"Heh! Tumataas balahibo ko sa pinagsasabi mo Cassey.. Yung itsura niyang yon, guwapo? Kelangan mo nang magsalamin teh.." kontra naman niya..

"Eh ang lakas kasi ng loob mong mkipag-deal tapos ngayong natalo ka ska ka magwawala jan na parang naging green na ang official color ni Barbie." Sabi naman ni Mina habang busyng nagta-type sa laptop niya..

"Malay ko bang magaling pala talaga siyang kumanta at umarte.. Waahhh! I can't take it na talaga.." sumubsob na lang siya sa lamesa..

"Hay naku! Mauna na ako sa inyo at marami pa akong kelangang tapusin na mga articles.. Bye Besties! Mwaakkss" tumayo na si Mina at kinuha na yung mga gamit niya..

"Ako rin kelangan naming mag-brainstorm para sa mga ipe-perform namin sa Foundation Day after ng field trip natin next week..Kaw na ang bahala jan kay crying lady, Sica.." paalam din ni Cassey...

"Nope.. Mas gugustuhin ko pang matulog kesa pakinggan ang mga rants niyang paulit-ulit.." tumayo na rin ako at sumabay kay Cassey..

"Wahhh! Ba't ganyan kayo sakin.. Besties ko pa man din kayo.. huhu.." paawa-effect ni Tiffany samin..

"Hmf! Kakausapin ko si Direk Winnie, baka nagkamali lang sila ng lagay sa name nung Pusang Kulot na yun!" sabi niya sabay takbo palayo..

Napa-iling na lang kaming dalawa ni Cassey habang sinusundan siya ng tingin..

Abandon Music Room. After Class (5:00 pm)

Andito ako ngayon sa may lumang Music Room.. Nasa 3rd floor ito at nasa dulong pasilyo..

Marumi at maalikabok itong room dati, pero ngayon medyo malinis na dahil ginawa ko na itong tambayan..

Tuwing break or kapag wala akong ginagawa dito ako tumatambay at natutulog.. Wala kasing pumupuntang mga students dito dahil takot sila..

May multo raw dito na kumakanta at tumutugtog ng piano. Mayroon kasing lumang grand piano sa gilid, na sa kalumaan aakalain mong dina gumagana..

Ako yung introvert type na person..Kaya dito ako lagi tumatambay.. Di ako masyadong nakikipag-usap sa iba.. Maraming nagsasabi na suplada raw ako..

Hindi kasi ako palangiti at lagi akong nka-poker face.. hindi nila alam, mask ko lang ang lahat ng 'yon..

They don't know that I've become like this because I was hurt badly in the past..

Ako kasi yung tipong kapag nagmahal, gagawin lahat para sa taong mahal ko, Na kahit wala ng matira sakin basta Masaya lang siya..

But something happened that I hate myself for loving someone too much..

From then on, I promise to myself that I will not fall in love again..

Ugh! Haba na nang sinabi ko.. inaantok na tuloy ako.. Umuulan pa man din sa labas..

Strings of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon