Chapter 14. Getting Closer

16 3 0
                                    

Mina's POV

Second day ngayon ng field trip/retreat namin. Ibig sabihin ay puro team building activities ang gagawin namin ngayon araw.

Kaya puro mga team games ang nilaro namin kaninang umaga. May airsoft, obstacle race, rock climbing at Treasure hunt. Super nag-enjoy ako sa treasure hunt dahil ang team namin ang nanalo roon.

Lunchtime na ngayon at meron kaming until 2:30 para magpahinga at mag-ready para sa hiking.

Naisipan ng mga instructors namin na ngayong hapon na lang mag-hike para maabutan daw namin ang magandang tanawin ng sunrise kinabukasan.

Panigurado raw kasi na may mga ma-le-late ng gising. May mga tents naman daw na gagamitin at may kasama naman kaming mga guide.

Kaya andito kami sa garden at kumakain. May mga tables and chairs naman dito. Marami namang mga puno sa paligid kaya masarap ang simoy ng hangin.

"Cassey tama na 'yan. Mamaya mangailangan ka ng C.R. kapag nagha-hike na tayo." Paalala ko kay Cassey. Siya na lang kasi ang hindi pa tapos kumain.

Sumubo pa siya ng adobo bago nagsalita. "Kaya nga ako kumakain ng marami kasi hiking mamaya. Para may energy ako." Dahilan niya.

Napa-iling na lang ako. Tinignan ko naman ang katapat ko na si Tiffany. Patawa-tawa siya habang nag-te-text. Si Jessica naman ay nakapalumbaba. Mukhang malalim ang iniisip niya.

Binagsak ko ang kamay ko sa lamesa. Napa-igtad naman silang dalawa. Si Cassey deadma lang at patuloy na kumakain.

NAgta-takang tumitig sakin 'yung dalawa. "Anong meron sa inyo at parang nasa Milky Way ang utak niyo?"

"MAkasabi ka naman ng 'Milky Way' Bestie! Eh nasa malapit lang naman 'yung iniisip ko." Tiff said.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ah... Siguro si James ang tinutukoy niya. Kita ko kasi dito na nasa puno na naman sila. Psh! May sa-unggoy talaga.

Pinagpatuloy naman ni Tiffany ang pagkalikot sa cellphone niya. Tinignan ko naman si Jessica.

"Oh bakit?! Hindi ko siya iniisip ha!" depensa niya agad.

"Wala naman akong sinasabi na may iniisip ka ah! Ayyiiee! Huli ka tuloy! Sino 'yon ha?!" tukso ko sa kanya.

PAti sila Cassey at Tiffany ay nag-tanong na rin. Ngayon lang kasi ulit siya nagka-interes sa ibang tao bukod samin kaya sobrang Big News 'to!

"Oo nga! Sino 'yan ha?!" tanong ni Cassey.

"Ayyyiie! OMG! Kilig naman ako sa inyo ngayon pa lang!" tili ni Tiffany.

Bumuntong-hininga muna si Sica. "Oo na. Sasabihin na. 'Di niyo rin lang ako titigilan eh."

"Dali na!"

"Kwento mo na!"

Sabi nung dalawa. Ako naman ay tahimik lang. Deep inside ay sobrang natutuwa ako ngayon. Sa wakas kasi ay nakiki-halubilo na ulit si Sica.

Sa wakas ay lumabas na rin siya sa mundo niya. Sa wakas ay hindi na siya nagkukulong sa nakaraan.

Pero mediyo kinakabahan din ako dahil baka mangyari ulit ang nangyari noon. Baka masaktan siya ulit. Baka iiyak na naman siya ng ilang buwan. Baka sasarilinin na naman niya ang problema niya.

Haist! MAsiyado na akong pessimistic! I'll take things slowly muna. Basta I'll do my best para hindi na naman siya ulit masaktan. KAhit na ako ang masaktan huwag lang ang mga Besties ko.

Strings of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon