June 1, 2016 10:23 pm.
Chapter 17:The Bet.
Mina's POV
"Waahhhh! Ang sakit ng mga binti ko. Huhu. Hindi na talaga ako magha-hiking sa susunod!" palahaw na sabi ni Tiffany habang naglalagay ng Salonpas at minamasahe ang mga hita niya.
Kakababa lang namin sa bundok kanina. Nagpapahinga muna kami bago mag-ayos ng mga gamit namin dahil uuwi na kami mamaya.
"Ako rin! Ang kati-kati ng braso ko! Huhu!" maiyak-iyak na sabi ni Cassey habang nilalagyan siya ni Jessica ng ointment na bigay ni Christian kahapon. Na-budo-budo rin kasi siya eh.
Ako naman sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko habang panay ang hikab. Antok na antok pa kasi ako.
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil bukod sa sobrang lakas ng hilik ni Yuri ay hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ni Manok na liligawan niya raw ako.
"Ay oh! Natulala na 'yung isa." Rinig kong sabi ni Tiffany.
"Hindi pa siguro naka-get over sa sobrang kilig kagabi. Haha." Tukso ni Cassey.
Napatingin naman ako sa kanila. Tignan mo 'tong mga 'to. May nararamdaman na lahat-lahat nagawa pa akong tuksuhin.
They all have a mischievous smile plastered on their faces. I just rolled my eyes at pinag-patuloy ang pag-aayos.
"Akalain mong type ka pala ni Jessie, Best? Eh para kayong mga aso't pusa kapag nagkikita." Sabi ni Jessica. Pati siya tinutukso na ako. -___-
I just shrugged my shoulders. "Ewan ko ron. Baka pinagti-tripan lang ako." Sinara ko na ang bag ko at pa-indian sit na umupo sa kama paharap sa kanila.
"Aysus! Sabi nga nila, 'The more you hate, The more you love!'" Tiffany scoffed.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Me and Manok are exceptions!"
"PEro paano kung seryoso siya sa sinabi niya?" Tanong ni Cassey. Tapos na rin siyang gamutin ni Jessica.
Napabuntong-hininga naman ako. "I don't know. Speaking of Manok, Meron nga pala sana akong gustong sabihin sa inyo eh."
Lumapit naman sila sa akin na akala mo eh sasabihin ko ang mga sikreto na nakalagay sa 'Secret Diary' ni Lola Nidora. "Ano 'yon?!" excited and at the same time ay curious nilang tanong.
"May sakit na ata ako sa puso."
Pagkasabi ko non ay nanlaki ang mga mata nila. Agad pa nga akong hinila patayo ni Tiffany eh.
"Ano?! Halika sa baba at magpa-check up tayo! Bakit hindi mo agad sinabi?! Hindi ka na pala dapat nag-hiking kahapon!" tarantang sabi ni Tiffany.
"Huhu! Gaano na ba kalala 'yan, Best? Alam ba 'to ng parents mo? Ni Kuya Kervin? NI Yaya Lumen? NI Beauty?!" pinunasan pa ni Cassey ang invisible na mga luha niya.
At nasama pa talaga si Beauty sa usapan eh 'no? Kawawang sawa. Walang kamalay-malay.
Napatirik na lang ang mga mata ko sa mga ka-chorvahan nila. Tumayo naman si Sica at pinagba-batukan silang dalawa.
"Aray naman! BAkit mo kami binatukan, Sica? Hindi ka ba concern kay Mina? Mamamatay na siya!" reklamo ni Tiffany.
This time ay ako naman ang bumatok sa kanya. "Aray! Graveh na kayo ah!" she pouted her lips.
"Mamamatay agad?! Saka hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin eh!" nakapamewang kong sabi sa kanila.
"Eh linawin mo kasi! Dali na kwento ka na ulit." Umupo na ulit sila sa kama na parang wala silang ginawang eksena kanina. Si Cassey ay nagbukas pa ng Nova at nag-umpisang kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/35425463-288-k395314.jpg)