October 18, 2015 4:12 pm.
Chapter 15. Getting Closer Pa More!
Mina's POV
Pagkarating namin sa halfway mark ay agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni MAnok. NAgpaalam muna ako kila Yuri at Mara para hanapin at puntahan sila Besties.
Nakita ko naman silang nagpapahinga sa ilalim ng puno. Kasama nila ang F3. Lumapit na ako sa kanila at umupo sa gitna nila Tiffany at Sica.
"Oh Mina! Andito ka na pala kayo." Bati ni Cassey.
Napalingon naman ako sa sinabi niya. Nasa likod ko pala at nakasunod si Manok. Lumapi din naman siya at umupo sa tabi nila Christian. Nakahilera silang nakaupo at nakaharap sa amin.
"Mina, may alcohol ka?" tanong ni Sica habang kinakamot ang kaliwang braso niya. Namumula na 'yon.
"Hala! ANong nangyari sayo?" I worriedly said. As in kasing pula na ng kamatis ang braso niya at may pantal-pantal. Mestisa pa man din siya kaya halatang-halata.
"Nabudo-budo ata ako eh." Sagot naman niya at mas lalong kinamot ang braso niya.
"Budo-budo?" takang tanong ni Tiffany.
"ANo ka ba naman Beyb. Budo-budo hindi mo alam?" singit ni James.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Tiff. "Bakit ikaw? Alam mo ba?!"
"OO naman. Diba 'yun yung parang gang? Yung nambibiktima ng mga katulong?" sagot niya.
Napa-face palm naman sila Kevin at Christian na katabi niya. "Dugo-dugo gang 'yon, hindi Budo-budo!" binatukan pa siya ni Kevin.
"Aray naman! Malay ko ba? Sounds like naman eh." Naka-pout na sabi niya.
"Budo-budo is 'yung uod na mabalahibo. Kapag nadikit ka don kakatihin ka talaga." Sagot ni Christian.
"Tsk! Uod pala 'yun?" di makapaniwalang sabi ni James.
"Tss! Budo-budo pa more!" tukso sa kanya ni Tiffany.
"Ano na Best? May alcohol ka?" tanong ulit ni Sica sa akin.
"Ay oo nga pala! Sorry. Meron nasa bag ko. Sandali lang." hinagilap ko naman kung asan ang bag ko. Ah! Nga pala. Si MAnok ang nagbitbit paakyat. Nakita ko na nasa tabi niya ito.
"Ahm. P-pwedeng pakiabot 'yung bag ko?" I said.
Tahimik naman niyang inabot sa akin. Nag-touch pa ang mga kamay namin. Muntik pa akong mapaigtad ng parang nakuryente ako. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. Kanina pa 'to ha.
"Here, Best." inabot ko kay Sica ang alcohol.
Kinuha naman niya ito at nilagyan ang braso niya.NApapikit pa siya dahil sa hapdi siguro.
"Ahm eto oh. May ointment akong dala. Mas madaling mawawala pamumula at pangangati niyan." Lumapit sa kanya si Christian at binigay 'yung maliit na parang lagayan ng toothpaste.
"T-thanks." Napansin kong namula si Sica at kinuha 'yon.
"Ayyiiee! Parang knight in shining armor lang ang peg, Bro ah!" tukso ni James sa kanila.
Napayuko naman ang dalawa. "Oooh! Guilty! Tomato pa more!" sabi ulit ni James. Namumula kasi ang mga pisngi nila.
"Magtigil ka nga diyan, Kulot. SA susunod magbasa-basa ka naman para hindi ka mapahiya sa susunod. Budo-budo pa more!" saway sa kanya ni Tiff.