Chapter 12: Field trip

26 2 0
                                    

August 2, 2015 09:51 pm.

Chapter 12: Fieldtrip

Mina's POV

Hey girls! Do you know what time it is? It must be party time! Here we go! Yeogin Summer! Jigeum Radio-reul kyeo, Heuleonaoneun Favorite Song, Hey Turn~

Ugh! Pinatay ko na yung alarm ko. Time check 12:30 am. Inaantok pa'ko ihh! Huhu. T_T

These past few days lagi na lang akong puyat kasi marami kaming ginagawa for our school paper. Ayaw ko sanang sumama kaso ifi-feature namin sa school paper lahat ng mga activities.

Fieldtrip namin today. Sa University ang assembly place namin and 2:00 am ang assembly time.

Sa Tagaytay ang destination namin. Fieldtrip and parang retreat na rin ang gagawin namin don. May mga team building activities kasi na gagawin.

3 days lang kami doon kasi after Fieldtrip is Foundation week naman next next week! Ugh. Yung eyebags ko naging eye-luggage na. HArhar. I know corny. Sarreh naman! Bagong gising eh.

Na-ayos naman na ni Yaya Lumen 'yung mga dadalhin ko kanina pa kaya wala ng problema. Pati kasi pag-eempake di ko na magawa sa sobrang busy. Haist. Pumasok na ako sa banyo para maligo.

------------------------------------------------------

Andito na kami ni Yaya Lumen sa labas ng gate. Mediyo malamig kasi madaling araw pa lang. Hinihintay ko si Cassey. Sa kanya kasi ako sasabay papunta ng school.

Habang naghihintay, 'di ko naman maiwasan na mapatingin sa kabilang kalsada. Sa Apartment nila Manok to be exact. Sila pala ang nakabili niyan. Matagal na kasi 'yang naka-tengga eh.

Hindi ito as in mukhang apartment. For an average person, masasabi nang malaking bahay ito.

Kahit na bungalow type, American style naman ang structure. Kaya nga medyo nagulat ako na apartment ang tawag nila diyan.

Nakasarado ang ilaw nila kaya hindi ko alam kung tulog paba sila or nauna na silang pumunta ng school. Tinignan ko ang relo ko, 1:25 am na. 10 minutes lang naman ang biyahe hanggang school eh.

May bumisina kaya napatingin ako sa paparating na sasakyan. Sa wakas, dumating na si Cassey. Memorize ko na plate number ng kotse nila kaya alam kong siya na 'yan.

Pagkahinto nila ay bumaba si Cassey sa may backseat kung sa'n siya nakaupo.

"Bestie! Good Morning! Good Morning din po Yaya Lumen." Bati niya saka siya nagmano kay Yaya.

Closed lahat ng Besties ko rito kay Yaya. Lola na nga ang turing namin sa kanya eh. Tumanda na kasi siyang dalaga.

Kinuha ko naman na 'yung maliit na travelling bag ko saka isang bagpack. Halos lahat ng mga ibang colleges ay kasama. So mediyo marami-rami rin kaming pupunta.

"Alis na po kami Yaya Lumen. Mag-ingat po kayo rito ha. Check niyo po lagi kung naka-lock na 'yung mga pinto. If ever man po tawagan niyo ako agad, okay? Sinabihan ko na rin naman po sila Aling Lucing na mag-isa lang po kayo rito." Pagbibilin ko kay Yaya.

3 days kasi akong wala sa bahay kaya mediyo nag-aalala ako na mag-isa lang si Yaya.Di bale, binilin ko naman na siya kila Aling Lucing kaya alam kong safe siya.

"Oo anak. Huwag kang mag-alala. Para mapalagay loob mo kakausapin ko si Lucing na dito muna matulog. Sige na. Umalis na kayo at baka kayo'y mahuli." Sabi ni Yaya.

Strings of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon