Tiffany's POV
We're heading to our second destination na nga. Time check, it's 3:45 in the afternoon. So far nag-e-enjoy naman ako sa date namin ni Kulot.
Tahimik lang kami sa buong biyahe. Nakatingin lang ako sa dinaraanan namin. Then maya-maya lang huminto na kami.
As usual siya na ang nagbukas ng pintuan ko. Pagbaba ko as in napa-nganga ako nung makita ko kung asan kami.
We're on a Freaking CARNIVAL! As in C.A.R.N.I.V.A.L
"Wow! Ang ganda naman dito!" I exclaimed.
"Buti naman nagustushan mo. Fiesta kasi rito sa Barangay Bonifacio kaya may perya." Sabi ni Kulot.
Ooh.. So Fiesta pala rito.Wait, Barangay Bonifacio? Dito nakatira si Bestie Mina ah! Ma-text nga si Bestie later.
"Ah. So perya pala ang tawag dito. Alam ko kasi Carnival eh."
"Haha. Carnival nga Beyb. Perya sa tagalog. Tara na?" hinawakan na niya ako sa wrist at hinila na niya ako papasok.
Amaze na amaze ako pagpasok. First time ko ulit sa ganitong lugar. Laking EK at Star City ako eh.
Marami rin akong rides na nakikita. May train na paikot-ikot lang. Caterpillar ang name. Bagay na bagay kay Kulot yung ride na yun ah! Hehe.
Meron ding maliit na Ferris Wheel. Pero yung sakayan is yung parang side car ng bicycle. And 2 persons lang ang pwedeng sumakay.
On the other side may nakita akong horror train. Ang ganda ng graffiti. Puro halimaw and ghost. *0*
May mga drop balls din, bingo, running lights, baril-barilan and sooo many more!
"Bilisan mo diyan Kulot! Anong una nating sasakyan?" excited na tanong ko.
Ako na ngayon ang may hila-hila sa kanya.
"Haha. Wait lang Beyb! Hindi halatang excited ha. Sa'n mo ba gustong sumakay?" He teased.
Nagpa-linga-linga naman ako. Hmm. Lahat gusto ko i-try eh. Eeni-Minnie-May-Nimo. And there, nakapili na ako.
"Tara Kulot sa Caterpillar muna tayo. Saktong-sakto bagay ka do'n" Hinila ko na siya sa bilihan ng ticket.
Pumila muna kami. Medyo mahaba rin ang pila. Karamihan mga bata with their guardian.
"Beyb paano naman ako naging bagay dito sa ride?" Kulot asked.
Tinuro ko yung kilay niya. "'Yang kilay mo kasi, kasing kapal ng caterpillar! Haha!"
Hinawakan naman nya yung dalawang kilay niya.
"What?! Hindi naman ganon kakapal ah! Ganda nga ng kilay ko eh. Agaw pansin." He retorted.
"Agaw pansin talaga. Agaw pansin sa sobrang kapal! Haha." I said while still laughing.
We still bickering until it's our turn. Tinignan ko yun price, Php 20 kapag adult. Ilalabas ko na sana wallet ko pero pinigilan ako ni Kulot.
"Ako na ang magba-bayad Beyb!" he winked.
"Tss! Kala mo naman kung may kamahalan ang ticket, Kulot." I rolled my eyes.
"HAha. Basta pag ako kasama mo, I don't want you to expend even a centavo. Gentleman ata toh!" tinuro pa niya sarili.
I just shrugged my shoulders. Ayun siya na nga ang bumili ng tickets namin.
After naming sumakay sa infamous Caterpillar ride na 'yon, courtesy of Kulot, ay sinakyan pa namin yung ibang rides.