Chapter 16: Oblivious Heart.

5 2 0
                                    


April 16, 2016 8:15 pm.

Chapter 16: Oblivious Heart.

Mina's POV

"Yes"

Matapos sumagot si Manok ay nagtilian ulit sila Besties pati na rin sila Ms. Cruz at sila Yuri. Binawi ko naman na ang tingin ko sa kanya. Through my peripheral vision, I can see na nakatingin pa rin siya sakin.

"Ayyiieee! Na-inlove na pala si Jessie oh!" Tiffany teased.

"Boom! 'Yun oh!" nag-apiran sila Christian at James.

"Tssk!" rinig kong mahinang palatak ni Kier sa tabi ko. I looked at him. Naka-cross arms lang siya at bored pa rin ang expression ng mukha niya. Ano bang meron dito at parang laging galit sa mundo.

"Okay next! Paikutin mo na Jessie." Sabi ni Ms. Cruz.

Pina-ikot na nga niya ang bote at huminto ito kay Kier. Oops. Speaking of the devil. Bored na tumayo siya para bumunot. Pagka-balik niya ay parang walang gana na binasa niya ang naka-sulat.

"Give something to the one whom you like to be friend with." He read.

"Ops! Ops! Bawal na si Beyb ko ha!" agad na sabi ni James at kinulong sa mga braso niya si Tiffany.

"OA lang, Kulot. Like to be friend lang naman." Inalis niya ang pagkaka-yakap ni James.

"Ah basta!" hinarangan niya ulit si Tiffany.

"Tss!" rinig kong patalak ni Kier. Wala na ba siyang ibang alam sabihin kundi 'TSS'??? -___-

Nag-aabang lahat sila sa gagawin ni Kier. Kami ni MAnok ay tahimik lang. Hindi ako tumitingin sa kanya o kay Kier.

Diretso lang ang tingin ko sa bonfire habang gumuguhit-guhit sa lupa ng kung ano-ano gamit ang stick an hawak ko.

Pasimple naman akong tumingin kay Manok. Nakatingin lang din siya sa bonfire. Naalala ko na naman 'yung kanina. Feeling ko para akong ice cream na matutunaw sa titig niya.

Saka bakit niya pa kailangang tumingin sakin habang sumasagot don sa tanong? NAsa mukha ko ba ang sagot kaya siya nakatitig sakin?

Haist. Saka kanina pa talaga ako hindi mapakali kasi ang tahimik niya ngayon. Hindi ako sanay eh! Mas gusto ko pa 'yung lagi kaming nag-aaway at least hindi siya ganito na parang wala sa Earth sa sobrang lalim ng iniisip.

Napayakap naman ako bigla sa sarili ko ng biglang umihip ang malamig na hangin. Nakalimutan ko pala mag-suot ng jacket kanina.

NAgulat naman ako ng biglang tumayo at umalis si Manok. Saan pupunta 'yon? HInayaan lang naman siya nila Ms. Cruz.

"Dali na Kier. Gawin mo na 'yung sabi sa card para ma-spin mo na ang bote." Sabi ni Ms. Cruz.

"Oo nga, pre! Excited na akong bumunot eh." Sabi ni Christian.

Tahimik lang naman siyang tumayo. Hindi pa rin ako tumitingin sa gawi niya dahil baka akala niya tinititigan ko na naman siya. Hindi naman siya Math problem para titigan eh.

Naramdaman ko na lang na may nagpatong sa balikat ko ng jacket.

"Ayiiiee!!!"

"Ang sweet!!!"

"OMG! Bagay kayo!"

"Hashtag KieNa!"

Sabay-sabay na tili nila. Nag-angat naman ako ng tingin at nakita kong nasa likuran ko si Kier. Siya pala ang nagbigay sa akin ng jacket.

Strings of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon