Chapter 28

1.2K 19 6
                                    

 -Kath's POV-

Maggagabi na rin pala. Medyo nagtagal din ang pag-uusap namin ni Diego.

Pagkatapos ng pag-uusap namin, napagdesisyunan na rin naming umakyat na muna sa mga hotel rooms namin.

Ewan ko ba pero sobrang saya ko at ngiting-ngiti pa talaga ako habang naglalakad papunta sa hotel room namin ni bes.

Kaysa naman mag-isip pa ako ng mga negative na bagay, magiging masaya na lang muna ako.

May reason naman ako para maging masaya, diba? :)

Ininsert ko na ang keycard at pumasok na ako sa hotel room namin ni bes.

Pagpasok ko naman, nakita ko si bes na nakatalikod at nakaupo sa bed niya.

"Bes! May ikukuwen-..." - Ako.

*sobs* "

Teka? Umiiyak ba siya?

Agad ko naman siyang nilapitan para makita.

Umupo ako sa tabi niya at hinagod ko ang likod niya.

Confirmed.

Umiiyak nga siya.

"Bes? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Si DJ ba?!" - Ako.

"Wag mo akong lapitan." - Julia.

"T-teka, ano bang nangyayari sa'yo bes?" - Ako.

"Wag mo akong lapitan. Don't touch me." - Julia.

"Bes, may nagawa ba ako sa'yo?" - Ako.

Ini-angat naman niya ang ulo niya, tumayo siya at humarap siya sa akin.

Dahil doon, tumayo na rin naman ako.

Diretso ang tingin niya sa akin.

Nasasaktan ako pag nakikita kong ganito si bes.

Umiiyak na naman siya.

"Kath, bakit hindi mo na lang tanungin ang sarili mo?!" - Julia.

Tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi niya ako tinawag na bes.

May nagawa ba ako para magalit siya sa akin ng ganito?

"G-galit ka ba sa akin?" - Ako.

"Ano sa palagay mo?!" - Julia.

"Bes, wag namang ganito, please. Pag-usapan natin ito. Ano bang nagawa ko para magalit ka sa akin ng ganito?" - Ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na rin ako.

"Diba sabi ko, tanungin mo ang sarili mo?! At pwede ba?! Wag mo nga akong tawaging bes! Ang alam ko kasi, ang mag-bestfriend, hindi nagtatraydoran!" - Julia.

"Hindi kita maintindihan! Hin-..." - Ako.

"Sinabi mo kay DJ!" - Julia.

"H-ha?" - Ako.

"Sinabi mo kay DJ yung past namin ni Diego, diba?!" - Julia.

"J-Julia, anong..." - Ako.

"Akala ko ba hindi na natin pag-uusapan ang tungkol doon?! Bakit kailangan pang malaman ng iba?!" - Julia.

"Julia, please, let me explain..." - Ako.

"Ano pang i-eexplain mo?! Hindi ka pa ba masayang nakuha mo na si Diego?! Ngayon ba si DJ naman?!" - Julia.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon