Chapter 23

1.4K 20 3
                                    

(A/N): Hi guys! :))

Ito na ang isa pang update! :))

Comments and votes! :))

 -----------------------------------------------------------------------------

-Daniel's POV-

"Nang nagtagal, naging friends kaming tatlo. Naging close na kami sa isa't isa." - Kath.

"Oh? Bakit ka tumigil? Ituloy mo." - Ako.

"Dahil sa trending topic din ako noon at kung anu-ano ang mga chismis na kumakalat sa akin, si Diego ang nagliligtas sa akin at sasabihin niyang hindi totoo yung mga yun." - Kath.

Napansin ko namang napayuko siya at may tumulong luha sa mata niya.

Agad naman niyang pinunasan ang mga mata niya.

 "Naappreciate ko lahat nung mga simpleng bagay na ginawa niya para sa akin. Dumating yung araw na na-realize ko na nahulog na pala ako sa kanya." - Kath.

Tuluyan na siyang lumuha.

"Hala? Okay ka lang ba Kath? Sorry. Masyado na bang personal yung pinapakuwento ko? Sorry. Okay lang kahit wag mo nang ituloy." - Ako.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng pilit.

"Hindi, okay lang ako. Gusto mong marinig yung buong story diba? Ito na, itutuloy ko na. Malapit na ring matapos ito." - Kath.

Ai? Tignan mo 'tong babaeng 'to.

Nasasaktan na pero palaban pa rin.

Sa bagay, gusto ko pa rin namang malaman ang buong nangyari.

"Nung araw na na-realize ko na mahal ko na pala si Diego, handa na rin akong sabihin yun sa kanya. Pero nang pumunta ako sa kinaroroonan nila, narinig ko na lang si Diego na nagsasalita kaya nagtago muna ako sa gilid. Sabi niya, "Julia, matagal na akong may gusto sa'yo kahit pa noong mga first year pa lang tayo. Hindi mo lang talaga ako napapansin noon. Nagpapasalamat nga ako sa ginawa nilang pagtapon sa akin ng harina eh. Dahil doon, nakilala niyo ako ni Kath. Ayaw ko nang itago itong nararamdaman ko dahil masyado nang mabigat para sa akin. Ngayong naamin ko na, satisfied na ako. Hindi ako naghihintay ng sagot dahil alam ko namang basted na ako dahil sa itsura ko. Masaya na ako na naamin ko ito sa'yo." " - Kath.

"Oh tapos? " - Ako.

"Sumagot si Julia kay Diego. Sabi naman niya, "Salamat dahil sinabi mo yun sa akin. Sa totoo lang, hindi naman ako tumitingin sa itsura eh. Sa kagandahan ng loob ako tumitingin, Diego. At sa maikling panahon na naging magkaibigan tayo, pareho rin ang naramdaman ko. Oo...mahal na rin kita."  Nang narinig ko yung pag-aaminan nilang yun, umalis na ako dahil sobrang nasaktan ako." - Kath.

Nagpunas na naman si Kath ng mga luha niya.

Kitang-kita sa kanya na nasasaktan siya habang nagkukuwento siya.

Ganun pala niya talaga minahal si Diego.

"Okay ka pa ba? Okay lang kahit tumigil ka na. Alam kong nasasaktan ka na, Kath." - Ako.

"Hindi. Kaya ko pa. Promise. Itutuloy ko na. Di nagtagal, isang araw, umamin sila sa akin na sila na. Nagkunwari akong masaya para sa kanila kahit sa loob ko nasasaktan na ako." - Kath.

"Kinaya mo yun? " - Ako.

"Wala naman na akong ibang choice eh. Dahil sila na, sinuportahan ko na lang si bes at Diego." - Kath.

Knotted And Tangled Love StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon